TYRION LANNISTER Lumingon ako sa direksiyon ni Rosanna nang mawala na sa aming paningin si Leina. "Sumunod na tayo sa ating mga kasama. Kailangan na na 'ting makalabas agad sa lugar na 'to." Tumalikod ako kay Rosanna at naglakad patungo sa second floor. Subalit hindi pa ko nakakatuntong sa hagdan ay pinigilan na ko kaagad ni Rosanna. "Sandali. May alam ka na ba na maaari na 'ting idahilan sa ating mga kasama tungkol sa pagkawala ni Leina?" Natigilan ako sa tanong ni Rosanna. Oo nga pala. Hindi ko pa pala alam ang gagawin ko sa bagay na 'yon. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Binalik ko ang paningin ko sa direksiyon ni Rosanna. "Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kanila. Tara na at baka bumaba na sila." Tumango na lang sa akin si Rosanna at pagkatapos ay s

