TYRION LANNISTER "Tyrion, alam mo ba kung nasaan ang may-ari ng inn? Para naman matanong ko kung may available pang kuwarto na maaari kong tuluyan." Lumingon ako sa direksiyon ni Clark. Mabilis akong umiling sa kaniya nang maunawaan ko ang kaniyang sinabi. "Huwag ka nang maghanap ng iba pang kuwarto. P'wede ka naman makituloy sa kuwarto namin ng mga kaibigan ko. Malaki 'yon at magkakasiya pa tayo," kuwento ko sa kaniya. "Gano'n ba? Nasaan na nga pala ang mga kaibigan mo?" tanong ni Clark. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, pero hindi ko pa rin nakikita ang mga kasamahan ko kaya binalik ko na lang ulit ang paningin ko sa kaniya. "Halika at pumunta tayo sa aming kuwarto. Baka nandoon sila." Nauna na kong tumayo at niyaya si Clark sa kuwarto. Sigurado na nasa kuwarto si Ros

