TYRION LANNISTER Mga ilang oras na yata kaming nagtatago sa isang malaking bato at sa wakas ay may nakita na rin kaming tao na naglalakad papasok sa bahay na pinuntahan namin. Nagtinginan kami ng mga kasama ko dahil hindi namin inaasahan ang aming nakita. "Totoo ba ang nakita na 'tin kanina?" "P-Parang totoo nga siya." "Hindi siguro totoo. Hindi naman kayo nasusuka sa nakita n'yo e." Pinanliitan ako ng mata ng mga kasamahan ko at bigla nilang pinitik ang aking noo "Porke't hindi kami nasuka ay hindi na tunay? Tunay ang nakita na 'tin at kailangan na 'ting kumpirmahin ang bagay na 'yon ngayon na." Tumayo si Aurora at nagbalak na pumunta sa bahay na nakita namin, pero agad namin siyang pinigilan ni Rosanna at muli namin siyang pinaupo sa isang malaking bato na kanina pa namin p

