TYRION LANNISTER "Oo nga pala, habang naglilibot din ako mag-isa sa bayan kanina ay may weird na tao rin akong nakita." Napalingon kami kay Rosanna dahil sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Hinawakan ni Rosanna ang braso ko bago siya nagpatuloy sa pananalita. "May nakita akong tao na nakatayo sa ilalim ng puno. Nakatingin siya sa direksiyon ko at bukod pa roon ay may hawak siyang bagay na katulad sa mahal na prinsipe." Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. Kahit ang mga kasamahan namin ni Rosanna ay hindi agad naintindihan ang sinabi niya. "Anong bagay ba ang tinutukoy mo?" Tinitigan ko si Rosanna habang nakataas ang isang kilay ko. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang mga tingin ko sa kaniya. Baka kasi ang bagay na tinitigan niya ay ang kuwintas

