TYRION LANNISTER Umupo si Rex sa tabi nina David at Aurora. Si Rosanna naman ay umupo sa tabi ko at agad na kumapit sa aking braso. "Mahal na prinsipe, bakit may babaeng ka nang katabi? Nawala lang ako ng ilang oras e." Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Rosanna. Mukha ba kong may gusto sa katabi kong si Rosa? Tss. Napairap na lang tuloy ako dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa direksiyon ni Rex. Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa katabi kong si Rosa at kay Rem na kanina pa nakahiga sa kama. "Anong nangyari?" Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Sinasabi ko na nga ba at ito agad ang itatanong ni Rex. Lumingon pa siya sa direksiyon ni Aurora at hinawakan ang dalawang kamay nito. "May nangyari bang masama sa 'yo? Ayos ka lang?" Tinitigan pa ni Rex

