TYRION LANNISTER Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa inis dahil sa naging sagot sa amin ni Rosa. "Umayos ka ng sagot, Rosa. Hindi ka namin maintindihan." Mahina pa rin ang boses ni Aurora, pero ramdam ko sa boses niya ang pagpipigil niya ng inis kay Rosa. Samantala, inirapan pa kami ni Rosa bago siya muling nagsalita. "Sinagot ko na ang tanong ninyo. Letrang K. 'Yan ang sinabi sa akin ni Leina bago siya mawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin niya kaya p'wede ba? Hindi ko rin naman alam kung nasaan siya." Umirap ulit sa amin si Rosa pagkatapos niyang magsalita. Lumingon ako sa direksiyon ng mga kasama ko at tila malalim na naman ang kanilang iniisip dahil sa nalaman. Kung gano'n pala. Wala rin kuwenta kung makita namin ang isa sa mga kakampi ni Leina dahil hi

