TYRION LANNISTER Nang matapos sa isang iglap ang laban sa pagitan ng misteryosong babae at ng kambal naming kalaban ay muli akong binalingan ng tingin ng babae. Naglakad siya palapit sa akin habang nakatitig siya sa mga mata ko. Bago pa siya tuluyan makalapit sa direksiyon ko ay hinawakan ko na ng mahigpit ang kuwintas na orasan na nasa aking bulsa at pinikit ko ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim bago umusal ng isang spell. 'Dalhin mo ko pati na ang mga kasama ko at ang kambal naming kalaban sa inn ngayon na.' Naramdaman ko ang paglabas ng kapangyarihan mula sa kuwintas na orasan at ang paglipat nito sa akin. Unti-onti ko na ring nararamdaman ang panghihina kasabay ang kapangyarihan na nilalabas ko. Samantala, bago kami tuluyang maglaho ay narinig ko pang nagsalita ang mi

