TYRION LANNISTER Pagkapasok namin sa loob ay puro mga babae na nakasuot ng isang nagliliwanag na dress ang bumungad sa amin. Natigilan ako bigla at napaiwas ng tingin dahil sa naglalakihan nilang hinaharap. Ang isa sa kanila ay agad na lumapit sa direksiyon ko. "Maligayang pagdating. Makakaasa kayong gagamutin namin agad kayo." Hinawakan pa ng babae 'yong balikat ko at ngumiti siya sa mga kasamahan ko. Kinuha ng babae 'yong kamay ko at dinala niya ko sa isang higaan. Nagpadala na lang ako sa kaniya habang sina Aurora naman at ang iba pa ay inasikaso na rin ng iba. Umupo ako sa kama at 'yong babae naman ay nakatayo sa harapan ko. Yumuko siya at hinawakan ang noo ko. Biglang nag-init ang aking pisngi nang makita ko ng bahagya ang pagsilip ng kaniyang hinaharap. Nakaramdam ako ng pagka

