TYRION LANNISTER Ilang araw na ang lumipas nang makaharap namin si Vlamir at sa ngayon ay magaling na sina David at Rem. Habang tumagal nga ay nalalaman ko ang totoong ugali ng apat kong kasama. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang malaman nilang lahat na nakakagamit ng ko ng kapangyarihan at nalaman din nila na hindi lang ako isang Alchemist katulad ng inaakala nila. 'Yon nga lang ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanila ang tungkol sa kuwintas na orasan. Napagpasiyahan kong sasabihin sa kanila ang tungkol doon kapag nalaman ko na kung sino ang may-ari ng kuwintas na orasan. "Rex, halika ka rito. Hindi ba mas maganda kung araw-araw tayong naglalaban para mas lumakas ang kapangyarihan na 'tin?" Mabilis na umiling si Rex sa suhestiyon ni Rem. Pagkatapos ay tumawa siya ng malakas.

