Chapter 2

1105 Words
TYRION LANNISTER Kinurap-kurap ko ang aking mata dahil baka nananaginip lang ako, pero hindi pa rin nagbabago ang itsura ng nasa paligid ko. Nasa isang kastilyo ako at napapalibutan ako ng mga guwardiya. Mayroon ding mga babaeng nakasuot ng bestida at mga lalake na nakasuot ng pandigma. Sa harapan ko ay may isang babae na nakasuot ng gown na tila kumikintab at nakasuot ito ng korona. Lahat sila ay nakatingin sa direksiyon ko kaya biglang bumalik ang kaba na nararamdaman ko kanina lang. Okay? Bakit parang may nagawa akong kasalanan sa kanila? "Yumuko ka at magbigay galang sa mahal na Reyna!" May isang kawal na bigla na lang sumigaw. Hindi niya binanggit ang pangalan ko, pero sa tingin ko ay ako ang kausap niya. Makautos naman ang isang 'to. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Nasaan na ba ko? Gusto ko na tuloy umuwi. Hindi ko sinunod ang sinabi ng kawal at nakipagtitigan pa ko sa sinasabi nilang Reyna na mayroong emerald na mga mata, mahaba ang kaniyang kulay puting buhok na alon-alon, at bilugang mukha na parang kasing laki lang ng manika. Hindi naman literal na kasing laki ng manika, pero ang liit lang talaga. Bigla kong naramdaman ang isang matulis na bagay na bigla na lang dumikit sa aking batok. Mukhang alam ko na kung ano 'yon. Tsk. Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi ng kawal na nag-uutos sa likod ko. Yumuko ako at hindi nagsalita. Ang sakit na ng dalawa kong paa sa pagkakaluhod. Hindi ba nila napapansin 'yon? Tsk. "Sabihin mo sa akin ang 'yong ngalan, ginoo." Nakarinig ako ng boses ng isang babae, pero hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Sa hinhin ng boses niya ay siguradong ang Reyna ang nagsalita. "Ako si Tyrion Lannister. Taga-earth. Tss." Pakiramdam ko ay sunod-sunuran ako sa mga taong hindi ko naman kilala. "Sumagot ka ng maayos!" Muli kong naramdaman ang patilim sa batok ko. Nakakaramdam na ko ng inis sa nangyayari kaya tatayo na sana ako, pero muli kong narinig ang boses ng babae. "Tama na 'yan, Felip. Isa siyang panauhin sa ating kaharian. Kailangan na 'tin siya para mahanap ang nawawalang prinsipe. Maaari mo nang itaas ang 'yong ulo." Wala pang isang segundo ay sinunod ko na ang pinag-uutos niya dahil may narinig akong bagong impormasyon. Muli kong tinitigan sa mga mata ang Reyna. "Ako si Reyna Marites II. Ako ang namamahala sa buong nasasakupan ng Majarka. Kinagagalak ko ang 'yong pagdating." Huminga ako ng malalim at kinagat ang aking labi. Huwag kang tatawa, Tyrion. Tiyak na mamamatay ka kapag tumawa ka. "May problema ba, Tyrion?" Nagtataka akong tinitigan ng Reyna. Sunod-sunod ang nagawa kong pag-iling sa kaniya. Huminga ulit ako ng malalim. Yumuko pa ko at sa wakas ay napigilan ko rin ang tawa ko. "Wala naman. Nais ko lang po sanang itanong kung anong ibig mong sabihin sa kailangan n'yo ko? Paumanhin, pero hindi ako taga-rito. Nasaan po ba ako?" Pansamantalang tumahimik ang buong paligid dahil sa tanong ko. Para silang nagpapakiramdaman kung sino ang unang sasagot, pero kalaunan ay ang mismong Reyna ang sumagot sa 'kin. "Patawad. Nandito ka ngayon sa kaharian ng Majarka dahil sa amin. Tinawag namin ang isang katulad mo sa mundong ito upang matulungan kami na hanapin ang nawawalang prinsipe mg kaharian." Nasagot ang ilang katanungan ko, pero may ilang katanungan na namang pumasok sa isip ko. "Majarka? Saan 'yon?" Umayos ako ng pagkakaluhod dahil nakakaramdam na ko ng pangangalay. Sinenyasan ako ng Reyna upang tumayo at agad ko naman itong ginawa dahil kanina pa talaga ko nangangalay. Buti at napansin din nila. Tsk. "Ang kaharian ng Majarka ay napapalibutan ng likas na yaman. Ang bawat tao na namumuhay dito ay may mga kapangyarihan na wala sa iyong mundo." Tumango-tango ako sa sinabi ng Reyna. Pinagmukha kong kalmado ang sarili ko kahit na ang totoo ay sobrang natutuwa ako sa narinig ko. Kapangyarihan daw? Para talaga kong napunta sa mundo ng anime! Anu-anong klaseng kapangyarihan kaya mayroon sa lugar na 'to? "Mabuti pa ay ipahatid na muna kita sa magiging silid mo. Hapon na at kailangan mo ng matutuluyan. Dahil kami ang nagtawag sa 'yo sa mundong ito, dito kana muna maninirahan sa palasyo." Lumingon ang Reyna sa likod ko. Tinitingnan yata niya ang kawal na nakatayo sa likod ko kanina pa. "Felip, ihatid mo si Tyrion sa kaniyang magiging silid." Nakarinig ako ng pagkilos sa likod at isang boses na kanina lang ay sinisigawan ako. Tsk. "Masusunod po, mahal na Reyna." Mukhang hindi na naman nila ko balak saktan kaya lumingon na ko sa aking likuran. Nakita ko ang isang matipunong lalake na may malaking pangangatawan. Sa itsura niya ay mukhang siya ang namumuno sa mga kawal dito. Malalim ang kaniyang mga mata at parang galit siya kung makatingin sa 'kin. Tinitigan ko siya, pero hindi nagbago ang walang expression niyang mukha. "Dito po tayo." Tinuro niya ang daan patungo sa magiging silid ko raw. Tumango na lang ako sa kaniya. Nauna siya naglakad at sumunod naman ako sa kaniya. Nadaanan pa namin ang mga babaeng nakasuot ng maharlikang bestida. Pinasadahan ko sila ng tingin, pero bigla nilang binuksan ang kanilang hawak na pamaypay at tinakpan ang kanilang mukha. Napasimangot ako bigla. Ang ganda sana nila, pero mukha naman silang masungit. Tss. Lumipas ang ilang minuto. Ilang hallway pa ang nadaanan namin bago kami huminto sa isang malaking pinto na kulay asul. Binuksan ng kasama ko ang pinto at nauna siyang pumasok dito. Sumunod ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay napapanis na ang laway ko dahil hindi naman siya nagsasalita. "Dito ka na. Kung may kailangan ka ay magsabi ka na lang sa mga katulong." Naglakad siya palabas at huminto sandali. Tumango ako sa kaniya. "Nasaan ang mga katulong?" "Hanapin mo. May sarili ka namang katawan." Aangal pa lang sana ako, pero iniwan na niya ko. Sabi na nga ba at may galit sa 'kin ang lalakeng 'yon. Naglakad ako papunta sa pinto ng kuwarto at sinirado ito. Pagkasarado ko ay nakaramdam na ko ng kampante. Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa 'kin. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito, pero gusto ko ng makabalik sa earth. Parang may tinatago sa 'kin ang mga tao rito. Tsk. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na may nalaglag na pala kong isang bagay. Ito ang kuwintas na relo na napulot ko kanina! Dahil kaya rito kaya ako napadpad sa lugar na 'to? "Manahimik ka na lang, Niffa." Pinulot ko ang nalaglag na gamit at pinakinggan ang boses mula sa labas. "Pero, kawawa ang kahihinatnan ng lalakeng 'yon. Tiyak na napaikot na siya sa mga kamay ng bruhang Reyna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD