TYRION LANNISTER
Inilapit ko pa nang husto ang tainga ko para mas marinig ang nag-uusap dahil mukhang palayo na sila sa kinalalagyan ko ngayon.
"Huwag kang magsalita ng ganiyan dahil baka may makarinig sa 'yo. Halika na nga at gawin na lang na 'tin ang iniatas sa ating trabaho."
"Totoo naman ang sinasabi ko, Inang. Dahil sa Reyna kaya bigla naglaho ang prinsipe. . ."
Hindi ko na narinig ang iba pa nilang pag-uusap dahil tuluyan na siguro silang nakalayo sa kinalalagyan ko.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Naglakad ako sa malaking kama at naupo roon.
Sinasabi ko na nga ba at may tinatago ang Reyna sa 'kin. Sino kaya ang prinsipeng tinutukoy nila?
Nakaramdam ako bigla ng takot para sa kaligtasan ko. Sa sobrang takot ko ay ginulo ko na lang ang aking buhok.
Kailangan kong makaalis sa lugar na 'to. Hindi man ako makabalik sa earth ay kailangan kong makaalis kahit dito lang sa palasyo, pero paano?
Huminga ako ng malalim at muling binalikan ang pag-uusap namin ng Reyna kanina. Ayon sa sinabi nila, may mga kapangyarihan ang lahat ng tao sa mundo 'to kaya kung magtatangka akong umalis at nahuli nila ko, tiyak na wala akong laban sa kanila dahil wala naman akong kapangyarihan.
Muli kong inilabas ang nakuha kong lumang relong kuwintas sa aking bulsa. Tinitigan ko itong maigi at nanliit ang mata ko dahil normal na ang paggalaw nito ngayon.
Nasisiguro ko na may kinalaman ang bagay na 'to kung bakit ako napunta rito kaya kailangan ko itong itago.
Binalik ko sa aking bulsa ang relong kuwintas.
Natitiyak kong malaki ang palasyong ito kaya kailangan kong pag-isipan maigi kung paano ako makakalabas. Sa sobrang daming kawal na nakita ko kanina, hindi ko pa sigurado kung lahat na ng kawal 'yon. Isa pa, tiyak malakas ang nagngangalang Felip na 'yon. Tsk.
Hindi kaya napunta ako sa mundo ng anime? Sa dinami-dami na p'wede kong puntahan ay dito pa talaga ko napadpad kung saan kailangan manganib ng buhay ko. Tsk.
Tumayo ako at muling naglakad sa pintuan ng kuwarto. Dinikit ko ulit ang tainga ko sa pintuan upang makiramdam kung may nagpagala-galang tao sa labas.
Wala akong narinig na kahit anong ingay kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Dahan-dahan din akong sumilip sa magkabilang gilid ng labas para masiguro na wala talagang tao. Wala naman akong nakita kaya lumabas na ko.
Bumungad sa akin ang pasilyo na dinaanan namin kanina nang makapaglakad ako ng konti, pero tumigil din ako sa paglalakad may naisip ako bigla.
Paano kung nandoon pa ang mga tao at Reyna at pinanggalingan ko kanina? Tiyak na magtataka sila kung bakit ako bumalik. Tsk.
Bumalik ako sa labas ng aking silid at inikot ko ang aking paningin. Sa unahan ko ay may isang malaking garden na puno ng halaman at bulaklak. Sa kanan ko naman ay ang hallway kung nasaan ako dumaan kanina. Sa kaliwa ko naman ay may hallway din, pero hindi ko alam kung saan ako mapupunta kapag dito ako dumaan.
Gusto ko sanang magpunta sa hallway na nasa kanan ko, pero hindi ko sigurado kung 'yon ang labasan at kung may mga taong nagbabantay sa bahaging 'yon. Baka mas lalo lang akong manganib kapag pumunta ako roon.
Tinitigan ko ang garden na nasa harapan ko. Naalala ko bigla ang mga anime na napanood ko na may mga magical plants. Hindi kaya ko mas lalong manganib kapag pumunta ako d'yan?
Muli kong ginulo ang buhok ko dahil hindi ko na alam ang aking gagawin. Bahala na!
Naglakad ako sa direksiyon ng Hardin. Bago ako tuluyang pumasok dito ay siniguro ko pa na walang tao na nagmamasid sa 'kin.
Nag-sign of the cruz pa ko bago tuluyang makapasok. Mahirap na. Baka may magical plants talaga sa lugar na 'to.
Bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng halaman at bulaklak. Halos lahat ng halaman at bulaklak ay hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. May iba pa ngang kumikislap at umiilaw kaya bigla akong naalarma.
Tanging relong kuwintas lang ang hawak ko. Ano naman kayang magagawa ko kung sakaling sugurin ako ng mga halaman na 'to? Tsk.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Sana pala ay nagdadala ako lagi ng kutsilyo nang nasa earth pa ko.
Patuloy sa paglibot ng aking paningin dahil sa napaka gandang bulaklak na nadaanan ko. Puro kulay dilaw ito at sobrang laki. Sa gitna nito ay may umiilaw na kulay dilaw din.
Pinagmasdan ko naman ang daan sa aking harapan. Mukhang malayo pa ang lalakarin ko dahil ang laki rin ng hardin na napuntahan ko. Sa tiyansa ko ay kasing laki ito ng school na pinag-aaralan ko ngayon. Ang laki niya bilang isang hardin. Kung gano'n ay mas malaki pa ang kastilyo na tinutuluyan ko ngayon.
Baka kasing laki pa ito ng buong Pilipinas. Natawa ako bigla sa aking naisip. Nanganganib ang buhay ko, pero ang utak ko ay walang tigil sa kakaisip nang kung ano.
Napatigil ako sa paglalakad nang muntikan na kong matisod sa ugat ng isang malaking puno. Bumilis ng husto ang puso ko nang makakita ako ng isang tao na nakatayo malapit sa harapan ko, pero nakatalikod siya sa aking direksiyon.
Maliit na tao ito, nakasuot ng boots, malaking pantalon at malaking long sleeves. May hawak ito sa kaniyang kamay, pero hindi ko matukoy kung ano.
Nang makita ko itong gumalaw mabilis akong nagtago sa likod ng malaking puno na nadaanan ko. Hinihingal pa ko sa pagtakbo, pero agad kong tinakpan ang aking bibig para hindi ako lumikha ng kahit anong tunog.
Nakarinig ako ng mahinang yabag malapit sa direksiyon ko. Para akong napasok bigla sa isang suspense movie dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon.
Tsk. Mali pala ang napuntahan ko. Dapat ay sa kanang hallway na lang ako pumunta.
Umupo ako habang tinatakpan pa rin ang aking bibig. Parang biglang naging blanko ang isipan ko dahil sa takot at hindi ko na alam ang aking gagawin.
Mas lalong dumoble ang t***k ng puso ko nang biglang tumunog ang aking tiyan.
Nalintikan na! Hindi pa nga pala ako kumakain simula pa kaninang umaga.