TYRION LANNISTER Pasimple akong tumingin sa tatlo kong kasama na bigla rin natahimik dahil sa tatlong tao na humarang sa aming daan. Hindi nagsasalita 'yong tatlong tao at iniangat lang nila 'yong kanilang kamay sa harapan ko. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa bigla na lang sumigaw si Chers na nasa tabi ko lang naman. "Kamahalan!" Hindi ko na namalayan na nagtipon-tipon ang tatlo kong kasama para ilayo ako sa harapan ng aming mga kalaban. Nasubsob ako sa lupa dahil sa ginawa nila, pero dahil naman doon ay nagawa kong makaiwas sa ginawang pag-atake ng kalaban sa akin. Ang kidlat na tatama sana sa aking direksiyon ay tumama sa puno na nasa likod ko lang kanina. "Ayos ka lang ba, kamahalan? Hindi ka ba mas'yadong nasaktan?" Tumingin ako sa tatlo kong kasama habang tumatayo

