Pinatay ko ang tawag saka napabuntong-hininga. Hinaplos ko ang aking batok at tumingin muli sa bintana. Tumawag ako sa mansyon dahil hindi sinasagot ni Olivia ang aking tawag. Agad akong nataranta kanina. Agad pumasok sa aking isip na may nangyari ng masama sa kaniya sa mansyon habang wala ako. Pinatong ko ang aking ulo sa backrest. Mabilis pa rin ang t***k ng aking puso dahil sa takot. Buti na lang sinagot agad ng aking kasambahay ang tawag at sinabing katutulog pa lang ni Olivia. Sinabi rin nito na laging tinanong ni Olivia sa kanila kung nakarating na ba ako sa mansyon. Sumilay ang ngiti ko sa labi. Kalalapag pa lamang ng aming eroplano. Nakaidlip lamang ako nang kaunti ngunit kulang pa rin ang aking tulog. Itutuloy ko na lang siguro sa mansyon katabi ng aking fiance. Iminulat k

