Blanko ang aking mukha habang nakatingin sa matanda at matabang lalaki. May nakalolokong ngisi ito habang nakatingin sa akin. Suot ang malaking business suit. Makintab ang kaniyang ulo ngunit mahaba ang kaniyang bigote at balbas. Nasa likuran nito ang kaniyang napakaraming mga tauhan. Hawak ng mga ito ang mga baril na nanggaling sa akin. Suki ko na sila noon pa ngunit ngayon lang nagkaproblema sa transaksyon. Tahimik namang nakaabang ang aking mga tauhan na nasa likuran ko rin. Malaking tao ang nasa harapan namin ngayon. Maraming mga Indian ang natatakot sa grupong ito dahil makapangyarihan sila at walang kinakatakutan. Tuwid ang aking tayo sa kan'yang harapan. Walang pinapakitang kahit anong emosyon. Walang umiimik sa pagitan ng aming grupo. Nakapamulsa ang dalawa kong kamay. Nasa

