Nanginginig ang aking mga kamay sa galit, takot, at pagkabahala. Nasaan ang fiance ko?! T*ngina! Buntis siya at hindi niya alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Kasama niya ako kapag lumalabas siya noon kaya hindi niya alam ang mga daan dito, kung sakali man na wala siya sa mga kamay ng Eternity. Sana umalis lang siya at ligtas. Hinigpitan ko ang aking pagkakapit sa manibela habang nagngangalit ang aking mga ngipin. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyari mang masama sa aking fiance. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa aking buhay kung mawala siya sa akin at ang magiging anak namin. Binilisan ko pa lalo ang aking pagpapatakbo at sumulyap sa pulang tuldok na gumagalaw sa aking screen. Nakasakay si Angelica sa sasakyan. Malakas ang aking kutob na kasama niya si Oli

