Malakas kong tinamaan ang kaniyang panga gamit ang aking kamao dahilan ng magtalsikan sa sahig ang kaniyang dugo. Dalawang beses na umatras dahil sa pagkahilo. Basag ang kaniyang kilay at duguan ang kaniyang noo. May pasa ang gilid ng mata habang ang pawis ay nagtatagaktakan sa buo niyang katawan. Malamig ang aking pagngisi nang marinig ang malakas na hiyawan ng mga tao sa paligid. Pinatunog ko ang aking leeg habang hindi inaalis ang tingin sa aking kalaban. Tanging benda lamang sa kamao at short ang aming suot ngayon. Pangatlong sunod-sunod na laban ko na ito ngunit hindi pa rin ako ginaganahan. Pare-parehas silang mahihina para sa akin. Iyo na ba ang pinakamalakas sa kanilang grupo? “Tapusin mo na ‘yan!” “Mahihina lahat ng grupo rito!” “Patayin mo na. Ano pang hinihintay mo?!” Ilan

