Tahimik lamang akong nakaupo sa harap ng bar habang ang lahat ng mga tao ay nagsasayaw sa gitna. Maingay ang buong paligid. Sobrang lakas ng tugtog. Nakakahilo ang iba’t ibang ilaw. Sobrang dami ng nagkakasiyahang mga tao. Mga lasing na ang iba. Hindi na nila alam ang kani-kanilang pinaggagawa sa buhay. Bumuntong-hininga ako habang ang isang siko ay nakatuon. Nakatitig lamang ako sa aking whiskey. Pakiramdam ko kahit ubusin ko pa lahat ng alak dito ay hindi ako malalasing. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko pa rin makalimutan ang araw na ito. Ang araw na nawala si Olivia. “Hi.” Tumabi sa aking upuan ang isang babae. Hindi ako nag-abalang lingunin siya. Wala akong planong mag-aksaya ng oras sa mga babae. Narito lamang ako para uminom. Kanina pa maraming lumalapit sa aking ba

