Chapter 58

1487 Words

“Bakit?” tanong niya nang makita ang aking titig. Umiling lamang ako at lihim na bumuntong-hininga. Iyon lang ang alam niya? Ilang taon na ang nakararaan nang magulat ang ibang mga tao sa kanilang natuklasan. Inilihim namin dati ang mga nangyayari sa aming pamilya ngunit nalaman na lang ng lahat na ako na lamang ang natitirang Lennon na lalaki. Maraming sumugod sa akin sa tuwing nalalaman nila na nasa company ako o may pupuntahang meeting. Gusto nila akong tanungin tungkol sa aking pamilya. Gusto nilang malaman kung anong nangyari sa aking magulang at kapatid. “Totoo naman ang sinabi ko, ‘di ba?” Tumingin ako sa labas ng bintana. Nagmamaneho pa rin ang aking tauhan. Nagsisisi na ako na binalikan ko ang babaeng katabi ko ngayon. Bakit ko ba siya kinuha sa harapan ng kausap niyang lala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD