Akala ko lang pala na matino na ngayon ang kaniyang suot ngunit nagkamali ako. Mas malala pa ito sa nakaraang suot niya. Kitang kita mula sa aking paglalakad ang makinis niyang likod. Napatiim-bagang ako saka masamang binalingan ang mga lalaking sumusunod ang tingin kay Emma. Tumitingin ang mga ito sa kaniyang likod pababa sa matambok niyang pang-upo. Mabilis na umaatras ang lahat ng mga tao sa tuwing nakikita ako. Agad na nagkakaroon ng pagtataka ang mga mukha na nila kapag napapabaling kay Emma. Sino ba naman ang hindi magtataka? Ngayon lang nila akong nakitang may kasamang babae. Ang lahat ng pinag-uusapan nila sa social media ay pawang mga walang katotohanan maliban na lang tungkol sa amin ni Emma. Nakasunod lamang ako sa kan'yang paglalakad habang papunta kami sa labas ng bar. D

