Ang taong pinagkakatiwalaan ko noon. Ang nag-iisang taong nakikinig sa akin noon, nandito sa aking harapan. Humihinga. Buhay. Nakatayo. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko maigalaw ang aking katawan at halos mawalan na ako ng hininga. Hindi dahil sa usok kun'di dahil sa kaniya. Ang lalaking pilit kong iniligtas noon ngunit hindi ko nagawa dahil sa pagsabog. "Jayden." May pagsusumamo ang kaniyang mga mata. Malungkot siyang ngumiti sa akin. Naninimbang na nakatingin sa aking mukha. Blanko lamang ang aking ekspresyon. Nanginginig sa galit ang nakayukom kong kamao. "Patawarin mo a—" "Sino ka?" malamig at mahina kong tanong na ikinatigil niya. "Sino ka?!" namayani ang aking boses sa buong palapag na ito. "B-Bakit buhay ka?! Bakit nandito ka?!" Mabilis ang aking paghinga. Hindi ko maintindi

