Utay-utay na binaba ni Anderson ang kaniyang baril. Natuluyan na 'ata siyang mabaliw dahil sa paggamit ng droga. O talagang may sapak siya sa utak noon pa. Napangisi ako saka malakas na binato ang hawak kong vase patungo sa kan'ya. Lumingon siya roon. Nanlaki ang kaniyang mata dahil hindi inaasahan ang aking ginawa. Hinarang ng kaniyang braso ang vase ngunit natumba siya dahil sa malakas na pagtama nito sa kaniya. "Emma." Lumapit ako sa aking nobya. Mabilis niyang inabot ang aking kamay saka lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap. "Sorry, Jayden. I didn't mean to say that. I'm really sorry. Naniwala agad ako sa pinagsasabi niya." "Shh. It's okay, Emma. Nandito ka na ulit sa akin," sabi ko. Hinalikan ko siya sa kan'yang pisngi. Naluluha siyang ngumiti sa akin. Sabay kaming nap

