Chapter 69

1818 Words

Mabilis kong pinaikot ang kaniyang braso at nilagay ito sa likod. Malakas na sumigaw ang isa sa mga tauhan ni Anderson. Itinulak ko ito sa pader dahilan ng pagtama ng kaniyang mukha. Dumaing siya, itinagilid ang mukha. Kita sa gilid ng aking mata ang paglapit ni Angelica sa akin. Kalaban niya kanina ang isang lalaking napatumba na niya ngayon. Nakapamaywang siyang nakatingin sa lalaking sumisigaw pa rin ng idiniin ko pa lalo ang braso niya na nasa likod. "Nasaan si Emma?" malamig kong tanong. "Hindi ko alam ang sinasabi mo! Hindi ko siya kila—Argh!" Malakas na sinapak ni Angelica ang batok nito dahilan ng malakas na pagbagsak ng lalaki. Nawalan ito ng malay dahil sa kaniyang ginawa. "Hindi siya aamin. Nag-aaksaya lang tayo ng oras sa kan'ya." Tumingin siya sa pasilyo. "Tinatago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD