Kinasa ko ang aking baril at nilagay ito sa aking baywang. Inabot ko ang matalim na kutsilyo saka itinago sa gilid ng aking sapatos. Muli akong kumuha ng baril. Nilagyan ko ito ng bala saka kinasa. Nasa labas ang lahat ng aking mga tauhan kasama ang Black Demon. Mabilis silang pumunta rito nang malaman na kinuha ng Eternity ang aking nobya. "Kami na ang bahala sa mga tauhan ni Anderson, Jayden," saad ni Philip. Hindi ako lumingon sa kaniya habang inaayos pa rin ang hawak na baril. Nanginginig sa galit ang aking kamay. Walang emosyon ang aking mukha. Hindi ko maiwasang matakot at mag-alala kay Emma. Paano kapag nangyari ulit? Paano kapag siya naman ang mawala sa akin? Kakayanin ko ba? Tumalikod ako saka naglakad palabas ng aking mansiyon. Diretso lamang ang aking tingin. Sumunod sa

