Problemadong-problemado akong nakaupo sa driver seat habang nakapatong ang ulo. Nakatigil sa gilid ng kalsada ang aking sasakyan, malapit sa mansyon ni Emma. Hindi ko alam kung ilang oras na akong narito. Madilim ang buong paligid. Hating-gabi na 'ata ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakatanaw pa rin sa kanilang mansiyon. Mariin akong pumikit. Nilagay ang dalawang kamay sa ulo at bigong pinaglandas ang mga daliri sa buhok. May parte sa akin na sinisisi si Angelica dahil sa kaniyang paglapit kanina ngunit mabilis ko 'yong inalis. Wala siyang ginawa. Gusto niya lang sabihin sa akin ang ibig niya kahit wala naman 'yong katuturan. Sino bang kumuha sa aming litrato? Mukhang plano talaga kaming sirain ni Emma. Dumilim ang aking mukha. Kung stalker man iyon ni Emma siguradong nangi

