Bumilis ang t***k ng puso ko habang pabalik-balik na naglalakad sa tapat ng pinto. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan habang tinitingnan ng aming Doktor si Olivia. Wala na naman siyang lagnat kanina at masigla na ang kaniyang pagkain ngunit nakakaramdam pa rin ako ng kaba. Gamit ang dalawang kamay ay sinuklay ko ang aking buhok habang pabalik-balik pa rin na naglalakad. “Nasa loob lang ng kuwarto ang fiance mo, Sir Jayden,” si Angelica. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Nakapamaywang ako habang seryosong nakatingin sa kaniya. Tumaas naman ang isang kilay nito at nakipagtitigan din sa akin. Nakahalukipkip siya at mukhang kanina pa ako pinapanood. “Bakit mukhang kinakabahan ka riyan, Sir Jayden?” Ngumisi siya. “Pustahan tayo, tama ang hinala ko

