Gulat ang mababakas sa aking mukha ngayon. Hindi makapaniwala na nakatingin ako kay Olivia. Pilit siyang lumalapit sa akin. Nagpupumiglas sa kamay ni Anderson. Mabilis na mabilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko naninikip ang aking dibdib. Gumuho ang aking mundo sa nalaman. “J-Jayden, please patawarin mo ako. Mahal na mahal kita. N-Nagsisisi na ako.” Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin iyon. Hindi pa rin ako makapagsalita. Tila ay tinutulak ng aking utak ang lahat ng natuklasan ngayon. Ayokong maniwala na ang isang taong pinakamamahal ko ay magagawa iyon sa akin. Siya ang lagi kong kasama saan man ako magpunta at siya rin ang taong nagbibigay sa akin ng lakas at pagpapatatag ng loob ko ngunit siya rin pala ang taong sumisira sa aking buhay nang hindi ko alam. Hindi niya lang ako pi

