Lumingon ako sa kaniya. Walang emosyon ang makikita sa aking mga mata. Nagtagis ang aking panga habang nakatingin sa seryosong mukha nito. Mabilis niyang ibinaling ang kaniyang mata sa kaniyang gilid at muling tumingin sa akin. "Puwede ba tayong mag-usap habang nagmamaneho ka, Sir Jayden?" Kita sa gilid ng aking mata ang paglabas ng mga tao. Napapalingon ang ilan sa amin. Hindi ako nagsalita at pumasok na lamang sa loob ng sasakyan. Nagngangalaiti kong sinaraduhan ang pinto at tumingin kay Angelica na umikot sa sasakyan. Binuksan niya ang pinto saka pumasok. Nahagip naman ng aking mata ang paglabas ni Philip kasama ang ibang miyembro ng aking grupo. Binuhay ko ang makina saka ito pinatakbo. Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Nagtatagis pa rin ang aking panga. Mahina si

