Tristan's Pov: Bahagya akong napalingon sa side mirror ng kotse ko ng bahagya kong mapansin ang puting sasakyang kanina pa sumusunod sakin. Napangiwi ako ng matanaw ang traffic light saka napangiti, ihinanda ko ang sarili ko kailangan kong makaabot bago pa mag stop signal ito. Mahigpit kong hinawakan ang manibela saka bumuntong hininga at mabilis kong pinaharurot ang sasakyan saka nakipag gitgitan sa gitna ng dalawang malalaking truck hanggang sa umabot na nga ako. Napasulyap ako sa side mirror saka napangiti ng matanaw ko ang paghinto ng sasakyan at napailing. " Wag mo ako." Bulong kong saad saka ko pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay ni Wayne. Ilang minuto lang ay nakarating na ako. Mabilis akong bumaba at saka ko nagtungo sa harap ng pintuan at nagdoorbell. Makalipas ang ilan

