Sa Japan Hope's Pov: Habang nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan ay hindi maalis alis ang mga mata ko sa buong mukha niya. Grabe ang ganda ng babaeng tu. San kinuha ang ganda nito? Nabibili ba? Nahihingi gusto ko maging ganyan kaganda ang anak ko kung maging babae man hahah. " 3 years? 3 years na yung status niyo ni Vleice? Bat wala man lang akong kaalam alam?" Napaawang ng bibig ko. As in sa 3 years na yun puro pambababae lang yung mga nasubaybayan ko kay Vleice. Napangiti namang tumango si Miya na tila ba nahihiya pang magkwento. Napakahinhin naman ng dalagang tuh. Swerte nitong mokong na tu. " Pa--paanong nangyari yun?" tanong ko ulit. " Magkasosyo ang parents namin sa isang negosyo, and then they decided na mag set up ng date for us." " Talaga? So nangyari naman yung date?" dagdag

