Sa Pinas Faith's Pov: Kasalukuyang ikinakabit ni Ybeth ang dextrose sa akin habang nakahiga ako sa kama. " Bakla, bumalik na tayo sa France, magpagamot ka na ulit. Ako yung natatakot sayo." " Fu** off Ybeth, ngayon pa? Hindi pwede. Malapit ko ng makuha si Tristan. " " But girl, look at you now? Kung hindi kita agad napuntahan sa company ni Tristan malamang malamig na bangkay kana na matatagpuan ng mga janitress sa restroom." " Tigilan mo nga yang mabaho mong bunganga Ybeth, di ako mamamatay ng ganun ganun lang. " Saway ko habang inaayos ko ang ikinabit nitong dextrose sakin, and yes tinawagan ko siya kanina nung pakiramdam ko hindi na kakayanin pa ng katawan ko. Mabuti nalang at agad akong napuntahan, at ngayon ay kasalukuyan akong nasa bahay niya. Napabuga ako sa hangin. " Bakit

