Tristan's Pov: Hindi ko na alam kung hanggang kelan ko pa kakayaning makita ka ng ganito, pang 6 months na tung araw na tu na nandyan ka parin nakahiga, hindi gumagalaw, hindi nagsasalita at hindi idinidilat ang mga mata. Please Hope, lumaban ka dahil lumalaban din ang anak natin para sayo. Lumalaki siya ng hindi mo nasusubaybayan yung pakiramdam habang nasa loob siya ng tyan mo at higit sa lahat miss na miss ko na rin lahat lahat ng meron sayo. Huwag kang mag alala hindi ako tumitigil hanggat di ako nakakahanap ng donor para sa mga mata mo. Gagawin ko ang lahat masilayan mo lang muli ang makulay na mundong tu at ang anak natin sa oras na makalabas na siya. Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas ito at laking gulat ko ng iluwa ang isang bulto ng tao papasok. " Fa--Faith !" Tangin

