Hope's Pov: " Galingan mo pa." Rinig kong saad niya, na biglang nagpabilis ng kaba sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Napahimas ako sa dibdib ko, bakit parang bigla ring bumigat ang dibdib ko bukod sa sobrang bilis ng t***k? Napapalunok kong bulong sa isip ko. Huminga ako ng malalim Faith ! Relaks ! Kalma. Wag kang paapekto sa pagiging nerbyosa mo Faith. Saka ako humarap sa kanya ng nakangiti. " Oo naman. Syempre asawa ko ang kakain kaya dapat lang na mas galingan ko pa ang pagluluto para mas ganahan ka pa sa pagkain." Saad ko habang ngiting ngiting nakatitig sa kaniya. Pero bahagyang nabura ang mga ngiting yun ng hindi man lang ako magawang tingnan ng mga mata niyang may kung anong awrang bumabalot kaya tumalikod na lang ako sa kaniya habang unti unting nabubura yung mga n

