“Mom, Dad! What a surprise!” Gulat na gulat ako nang makita ko ang mga magulang ko na papasok sa living room habang pababa ako ng hagdanan. Bitbit ni Mila ang mga bagahe nila papasok ng bahay. Kagigising ko lang at nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong bumaba. Ni hindi pa nga ako nakaligo dahil madaliang hilamos at tooth brush lang ang ginawa ko. Mabilis akong bumaba ng hagdanan at patakbong niyakapa ang parents ko. “My god, Piggy! Hinay-hinay naman at baka madulas ka!” nenenerbyos na sigaw ni Mommy. Umani ako ng kurot sa singit dahil sa ginawa ko. Agad akong umilag at yumakap sa braso ni Daddy. “Daddy, oh! Si Mommy nangungurot pa rin,” naka-pout kong sumbong kay Daddy habang nakatingin kay Mommy. Tinawanan lang ako ng tatay ko dahil tinaasan siya ng kilay ni Mommy at namewang p

