“What did you just say?” maluha-luha kong tanong sa kanya habang tumatawa. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Mukhang hindi siya makapaniwala na tinatawanan ko lang siya sa sinabi niya. And the way she looks at me, halatang disappointed siya sa inasal ko. Agad naman akong tumikhim at kagat-labing tumingin sa kanya habang pinipigilan ang sariling matawa ulit. Sa lahat ba naman kasi ng kasinungalingang sasabihin niya ay 'yun pa talagang pagbubuntis ang naisip niya. "I'm really pregnant, Piggy," anitong napapakagat-labi pa. "May nangyari sa amin ni Jeremy noong pinuntahan niya ako sa condo. I know it was all my fault. Lasing ako and I somehow did something dahil sa kalasingan. I was totally not myself that time. Hindi ko naman inaakala na mabubuntis ako agad. Now, I know kung

