Hating-gabi at naalimpungatan na naman si Maureen na wala sa tabi niya ang binata. Bumangon siya upang hanapin ito ngunit hindi na naman niya ito nakita sa buong condo unit. Umalis na naman ito nang hindi siya ginigising upang magpaalam. Nagtataka tuloy siya kung ano ang pinapagawa ng ama nito dahilan para iwan siya nitong nag-iisa. Hindi naman siya nag-aalala dahil ipinaliwanag sa kanya ni Francis ang safety locks ng condo nito. Hindi ito basta-basta mapapasok ng kung sino man. The front door was securely locked at may kung anong technology roon na inilagay upang silang dalawa lamang ni Francis ang makapasok. Bulletproof din ang mga glasswindow ng condo at hindi rin basta-basta mabubuksan. So all in all, kahit iwan siya nito ng mag-isa ay okay lang at safe na safe pa rin siya. Muli si

