Maagang nagpunta si Francis sa opisina ng kasintahan upang sunduin ito. Mayroon kasi silang dinner date kung kaya't inagahan na niya ang pagsundo rito upang makapaghanda sila. Actually ay sa condo lang naman niya iyon ngunit maggo-grocery pa sila ng dalaga ng mga lulutuin. Wala na rin kasing stock ang ref niya dahil hindi rin naman siya madalas nasa condo niya. Nito lang na kasama na niya ang dalaga kaya kailangan niyang ayusin ang set-up ng titirhan nila pansamantala. Balak niyang magtayo ng bahay sa nabili niyang lupain malapit lamang sa bahay nila. Mas mabuting malapit lang ang dalaga roon upang safe ito kung sakaling bumalik na siya sa trabaho. Sa katunayan ay pinapasimulan na niya ang plano ng bahay sa isang kaibigan. Kailangan na niyang maghanda upang wala ng problema kung sakaling

