As usual, gabi na naman nang lumabas si Maureen mula sa gusali. Panay rin ang tawag sa kaniya ng kapatid, checking kung nasaan na ba siya. Hindi kasi siya sumabay sa mga ito sa pag-uwi dahil may tinatapos siyang report. Nangako naman siya na uuwi ng maaga ngunit heto, ginabi na naman siya dahil hindi na naman niya namalayan ang paglipas ng oras. She hurriedly went towards her car ngunit hindi pa siya nakakapasok sa loob nang may biglang tumakip sa kanyang mukha dahilan para mawalan siya ng malay. Nang magising ay nasa isang madilim na lugar siya. Tahimik ang paligid at walang bakas ng presensiya ng kung sino sa lugar. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakagapos ng kanyang mga kamay sa likod ng upuan ngunit masyado itong mahigpit na hindi man lang lumuwang kahit kaunti. May busal din ang

