Ilang araw mula nang ma-kidnap siya ay naging abala na ang kanilang tahanan. Yes, sa kanilang tahanan dahil doon nag-base ang kanyang ama, kapatid kasama si Sir Elijah at ilang pang tauhan ng ahensiya upang puksain ang sindikatong iyon. Hindi rin niya iyon maintindihan dahil dapat sana ay sa headquarters nagtatrabaho ang mga ito ngunit napili pa nila na sa bahay mismo ng pamilya. Hindi naman obvious dahil nasa basement ang mga ito. Yes, basement na ngayon lamang niya natuklasan sa tanang buhay niya. At ngayon nga ay nasa loob siya ng basement na iyon dahil kailangan niyang kilalanin ang mga taong dumukot sa kanya. And she was amazed how wide the basement is. Hindi talaga niya lubos akalain na mayroong ganoong lugar sa bahay nila. Ngayon niya napatunayan na maraming lihim ang bahay na nak

