Kagaya nang napagplanuhan nila, Maureen endured being with Francis. Lagi itong pumusulpot sa kung saan-saan at kung kailan nito gusto pero madalas ay nasa opisina ito tumatambay which was very annoying. "Hindi ba pwedeng magpakita ka na lang kapag susunduin mo ako? Ano ba ang ginagawa mo rito sa opisina ko?" mataray na turan niya sa binatang prenteng nakaupo sa sofa sa loob ng opisina niya. "Guarding you," tipid na sagot nito sa kanya pagkatapos ay muling nilantakan ang chitchiryang dala nito. Umikot ang mga mata niya sa sinabi nito. Guarding her? Wow! Ibang pagbabantay naman ang ginagawa nito sa kanya and she was pissed off. Alam naman nitong hindi siya okay na nakikita niya ito ngunit parang nananadya pa talaga ito at palaging ibinabandera ang pagmumukha nito sa harapan niya. But t

