Chapter 11 Jopay's POV TAHIMIK na nakaupo sa mahabang sofa at nanonood ng movie, habang si Livi ay naka higa sa lap ko. Ang kigwa parang walang may nangyari. Sarap itulak ng mahulog agad sa kinahihigaan nito. Matapos niya akong pakalmahin ay ito siya—nanlalambing kahit walang label. Pwede naman iyon—huwag ka kang mag-expect nang malalim. Masasaktan ka. Mayamaya lang ay kinuha niya ang kamay ko at saka nilaro ang daliri. Sa ginagawa niya ay kinikilabutan ako sa bawat galaw niya. Pinasadahan ko siya ng tingin dahil tahimik siya at wala pa atang balak na magsalita. Tumikhim ako sabay ayos ng upo. Wala man lang pakiramdam dahil hindi man lang siya umalis. Ang sarap ng buhay ng kigwa. Nang matapos na ang palabas ay napa-inat ako ng katawan. Magsasalita pa sana ako ng makita ko siyang tulog

