Chapter 10 Jopay's POV MAHIGPIT ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang naglalakad kami sa gitna ng lobby dito sa hotel na pinag-stayhan niya. Kumalipas ako ng alis sa unit niya subalit hindi ko inaasahan na susundan niya ako. Para ano? Para kunwari aamuhin niya? Putang-ina siya kamo! "Don't run," sabi niya at sinalikop ang mga daliri namin. Bakit ganito ka higpit ang hawak niya? Dahil sinubukan kong tumakas kanina habang mas kausap siya, sa huli ay naabutan niya rin ako at binuhat na parang sakong bigas. Sa ayaw ko nga siyang kausapin at naiiyak lang ako. Ewan ko ba ba't ang babaw ng luha ko. Pagdating namin sa penthouse niya ay saka lang siya kumalas sa pagkakahawak. Sinimangutan ko siya at hindi umalis sa likod ng pintuan ng maisira niya iyon. "Anong gagawin mo sa'kin?!" Bago

