Chapter 9 Jopay's POV Bakit naman ako kabahan kung natatanong lang naman ako kung anong kakainin niya? Tsk! Napapraning na naman ako. Kung anu-ano na naman ang iniisip ko matapos ang ginawang pagsuntok ni Livi kay Erwan. But to be honest, natuwa ako sa ginawa niya kay Erwan. Pero hindi pa rin ako makakasigurado na titigilan ako nun. Kilala ko si Erwan. Hindi kami tumagal sa carenderia. Kaagad kaming umalis sa lugar na iyon—baka masundan kami ni Erwan. Iyon talaga ang concern ko. PAGISING ko sa umaga ay naka ngiti na ako. Hinatid ako dito mismo sa bahay ni Livi no'ng gabing iyon pagkatapos ng mahaba habang kainin. Hindi rin mawala sa isip ko ang ginawang panghahalik niya sa akin sa publiko. Naka ligtas rin ako sa midnight snacks na sinasabi niya. Ang alam kasi ng lahat doon ay magkasin

