Chapter 7 Jopay's POV Sakto lang ang dating ko sa unit ni Livi. Iniwan niya nga ang swipe card ng unit nito sa lobby ng hotel. Rekta akong tumungo ng unit niya at saka nilanghap muna ang paligid. Bakit ang bango pa ein kahit ilang araw akong 'di pumasok dito? Talaga bang magta-trabaho ako dito o gawin niya lang akong pampa-init ng katawan niya? Bumuntong hininga ako nang tuluyang makapasok sa kwarto niya. Ang linis. Wala akong ibang ginawa maliban sa ayos-ayusin lang ang mga kagamitan niya sa loob. Nang makaramdam ng gutom naghanap ako ng makakain sa cupboard nito. Sa dami nang makakain roon spam lang ang napili ko, at saka niluto. Napadami ang kain ko, kaya ang bagsak, tinamad akong kumilos. Isang oras din 'yong tambay konsa kusina bago ko naisapan kumilos. Pinagod ko ang aking sarili s

