Chapter 6

1701 Words
Chapter 6 Jopay's POV Tahimik lang kami ni Livi na kumakain habang ang nasa paligid namin ay panay ang sulyap at bulungan. "Pasensya ka na," mahina kong sabi. Nang tingnan ko si parang wala lang siyang may narinig. Kumakain lang siya. Pero alam kong narinig niya iyon, at maging ang nagbubulungan. "Bilisan nalang natin nang matapos na tayo rito." Tinapos ko na rin ang aking pagkain. Tahimik at walang kibuan. Makalipas ang ilang minuto, at nabayaran na rin ni Livi ang nakain namin—dapat lang na siya magbayad, wala akong dalang pera. Hindi ko na pinansin ang mga tao dun, at pumasok na ako sa kotse ni Livi. Ang pinagtataka ko ay bakit kinausap pa ni Livi 'yong Mang Pedro na iyon. Nakakainis. Dahil nakatalikod si Livi at kita ko ang reaksyon ni Mang Pedro, napakunot-noo ako sa aking nakita. Parang takot ang reaksyon nito. Mamya nang maglakad na si Livi patungong kotse niya ay wala naman akong may nakitang pagbago sa ekspresyon nito. Seryoso pero kalmado. "Ba't ang tagal mo?" mahina kong tanong. Binalingan lang ako saka nagkibit-balikat. Hindi ko na pinansin. Ayaw ko na rin magtanong. Ayaw din naman akong sagutin. Maba-badtrip lang ako sa kaya. Nang makabalik ng bahay—ang buong akala ko ay uuwi na ang ulupong. May balak pa nga talaga siyang magtagal, at papasok pa talaga ng bahay. Nang nasa bakuran kami mismo, saktong si Nanay Tasing ang bumungad sa amin. Tumabingi ang ulo at mamya ay palipat-lipat ang tingin sa amin ni Livi. Napakagat-labi akong hindi makapag-salita. Alam na alam ko ang nasa isip ni nanay. Hinila ako ni Nanay Tasing patungong kusina. Alam na ang ibig sabihin kung bakit niya ako kinaladkad dito. Ngumuso ako. "Sino 'yan? Saan mo nakilala ang engkantong 'yan, Gemmalyn?!" "Engkanto agad? Hindi ba puwedeng kilala ko lang talaga si Livi?" Binalingan niya ng tingin si Livi sa may sala kung saan kausap ang tatlo kong kapatid. Aba! Feel at home ang kigwang na'to. Akalain ba naman close agad sa tatlong unggoy. Napa-buntong hininga nalang ako. Bakit ko pa kasi naisipan na kaladkarin ang isang 'to dito sa loob? Tuloy... sinasabon na ako ng matanda. "Anong ginagawa niya dito?" Masungit na pagkakatanong ng aking ina nang kunin niya ulit ang atensyon ko. "Ki aga aga, Gemmalyn," dugtong pa nito at natungo sa pahabang mesa at saka naghanda ng almusal. Sinundan ko siya at tinulungan sa pag ayos ng mga plato't kubyertos. "Nay, almusal lang, ho. Tapos uuwi agad 'yan." Paliwanag ko. "Habang nag jo-jogging kasi ako kanina sa plaza, e, nagkita kami doon," pagsisinungaling ko. Tumigil si Nanay Tasing sa kanyang ginagawa. Tinantya niya ako ng bawat titig niya. Al niya kung nagsisinungaling ako o hindi. "Jogging? Sa plaza? Aba! Kelan ka pa gumising ng maaga, bata ka?" Kukurutin pa sana ako sa singit ng umatras ako palayo sa kanya. Sumimangot tuloy ako. Wala talagang pinipiling lugar ang matandang 'to. Kahit may bisita, basta maka-pektus lang, wala siyang pakialam. "Nay! Nakakahiya. Ba't ba?" "Hoy! Gemmalyn, umayos ka! Kagabi sinugod ka ng hayup na Erwa-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng lumapit ako sa kanya at tinakpan ang bibig. Ngayon alam ko na kung saan ako nagmana ng kadaldalan at walang prenong bunganga. Tss... "Nay, naman! 'Yang bunganga mo," "Sus! Totoo naman, 'di ba?" Napa-ngiwi ako. Iba talaga kapag matanda na. "Ate? Nay?" Isang tawag mula kay Gelbert ang narinig namin. Kausap parin ng tatlo si Livi, sa hindi inaasahan ay nagtama ang aming mga mata. Agad akong umiwas at binalingan ang kapatid. "Oh? Bakit? Lumapit na ako sa kanila para anyayain sa hapag. "Kakain na muna tayo, mamaya na tayo mag usap Gelbert," Napa-kamot nalang sa batok ng kapatid ko. Bago pa nang iwan ang tatlo ay may binulong pa sa akin ang mga ito. "Te, sigurado ka bang taga meralco ang lalaking 'yan?" Si Nelson. Meralco? "Siya na ba ang papalit kay Erwan?" Si Edwin. Binatukan ko nga. "Kumain na nga kayo! Daig niyo pa si Aleng Petra na tsismosa! Alis!" Tawang tawa ang tatlong umalis sa harapan ko. Nanunudyot na naman ang mga unggoy na 'yon! "Humanda kayong tatlo sa'kin mamaya," Bumuntong hininga ako ng makalapit kay Livi. Tahimik siyang iginagala ang mata sa kabuuan ng bahay. "Mag almusal ka na," sabi ko sa kanya at natuon ang tingin sa akin. "Pasensya ka na sa mga kapatid ko, sadyang makukulit lang talaga sila at palakausap sa bisita." Kahit ang totoo ay hindi naman. Ngayon ko lang nga ulit sila nakita na nakikipag usap sa bisita. Kay Erwan kagabi hindi naman, maliban kay nanay. "You're the eldest?" "Ah-oo. Tara na sa hapag ng makauwi ka na sa penthouse mo." Akma ko na sana siyang tatalikuran ng magsalita siya. "Thank you," Nilingon ko siya. "Maliit na bagay," Sa loob ng isang oras na agahan ay walang segundong hindi tinatanong ng nanay si Livi. Dinaig pa ang reporter kong makakuha ng impormasyon sa lalaking pinapakain namin ngayon. Subalit-sa dami ng tanong iilan lang ang sinasagot ni Livi. May mga tanong na hindi niya sinasagot, kaya naman hindi ko maiwasan ang sitahin si nanay. "Mag iingat ka sa pagmamaneho. Aba'y! Taga meralco ka pala? Kung 'di pa sinabi ng tatlo, e, wala akong alam. Hindi mo rin sinabi." Napapa-ngiwi nalang ako. Anong kalokohan ang pumasok sa isip ng lalaking 'to at sa meralco pa talaga naisipang sabihin ang trabaho. Nakakawendang! Ni buong pangalan niya nga ay hindi ko alam. Tss... "Kung may problema ho kayo sa kuryente ay sabihan niyo lang ho ang anak niyo, nang maaksyonan ho agad. Huwag ho kayong mag alala, ako na ho ang sasagot kung may problema man sa kuryente niyo." Natuwa naman ang matanda sa sinabi ng isang 'to. Maayos siyang nagpaalam sa aking ina. Hindi niya na kailangan pang magpaalam sa tatlong unggoy dahil nagmamadali rin ang mga iyon. May pasok pa kasi. Sa labas ng bakuran ay hinatid ko siya. "Kung anu-anong kalokohan ang sinasabi mo sa pamilya ko. Nakakainis ka!" "What do you want me to say to them?" Hindi na ako sumagot pa. Mas minabuti ko nalang na manahimik. "I'll go ahead. Salamat sa masarap na almusal," aniya at humakbang patungong kotse nito. Bago pa siya pumasok ay may pahabol pa siyang sinabi. "Sleep well. 5pm punta ka sa penthouse. Hihintayin kita doon." Aba! Hindi talaga nadala ang lalaking 'yon?! Napabuga nalang ako ng hangin sa kawalan. Sinundan ng aking mata ang sasakyang papalayo sa lugar namin hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. Bumalik ako sa loob ng bahay at saka tamad na naupo sa isang silya. Doon ko nalang naramdaman ang antok. Kailangan ko nga ng tulog. "Ate?" Hindi pa ako nakapasok sa aking kwarti ay tinawag na ako ng tatlo. Saka naman lumitaw si nanay. Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Te? May pera ka ba diyan? Kailangan ko kasi bayaran ang limang libro na ere-release ngayong araw sa school." Si Nelson. "Te, ako din." Si Gilbert at napakamot ng ulo. "Te, isama mo na rin ako," si Edwin na parang nahihiya pang humingi. Binaling ko si nanay at naghihintay ng sasabihin. "Gemma, ang bayad sa kuryente at tubig, tapos 'yong balanse na utang natin kay kumareng Tson." Napa-buntong hininga ako at sunod sunod na tumango sa kanila. "Magkano ba lahat?" Mahina kong tanong sa kanila. Ayaw ko na munang makipag-usap ng mahaba sa kanila. Ramdam ko na kasi ang antok. "2k sa akin, te." Si Edwin. "1-5, te." Si Nelson. "3k, te." Si Gilbert. "Pasensya ka na te, hah?" Saan ako kukuha ng ganung kalaking pera? "Anak? 5k lahat ang sa akin. Kuryente, tubig at utang na iyon." Napatitig nalang ako sa kanila. Mayamaya ay nilapitan ako ni nanay. "Pasensya ka na anak kung sa'yo lahat. Hayaan mo mag titinda ako ng atrasa kapag may hinog ng papaya sa likod ng bahay natin." Tumango na lamang ako at saka ko sila tinalikuran. Pagpasok sa loob ng kwarto ay nangiyak ngiyak ako sa kakaisip. Ayaw kong ipakita sa kanila na mahina akong babae. May naisip agad akong ideya. Kinuha ko ang aking shoulder bag at kinuha 'yong brown na sobre sa loob. Ito 'yong perang binigay sa akin ni Livi. Hindi ko pa ito tiningnan o binilang man lang. Ito nalang ang tanging sasalba sa mga problema ko sa kanila. "Bahala na." Sambit ko at kinuha ang pera sa loob. Nanlaki ang mga mata ko ng bilangin ko iyon. "Bente mil? Paano naging bente mil ang sahod ko sa kanya? Magkano ba buwan ko?" Napapailing ako. Kailangan ko pang itanong sa kanya kung magkano ang buwan ko sa kanya. Wala na akong ibang irarason sa kanya kung aalis ako sa trabaho 'yon. Kalimutan nalang ang nangyari. Hahanapan ko nalang ng abuno ang kulang sa pambayad sa eskwelahan ko. Pagkalabas ng kwarto ay andun parin silang apat naghihintay. Binigyan ko sila ng perang kailangan nila. Sinubrahan ko na rin sa tatlo para sa kanilang allowance. Masaya ako na nakikita ko silang masaya. At sapat na iyon sa akin. Hindi ko alam kung paano ko napatulog ang aking sarili. Basta ang alam ko nagising nalang ako ng tumunog ang aking telepono. Tamad na hinablot ko iyon at sinagot. "Hello?" Medyo paos pa ang boses dahil kakagising ko lang. "35 missed calls and 50 texts messages. Where the hell are you? Pass 5:00 o'clock in the afternoon. Ang usapan alas-cinco ay nandito ka na sa penthouse ko!" Bumalikwas ako ng bangon dahil sa boses na iyon. Seryoso at mukhang galit na naman. May regla na naman ang lalaking 'yon, kaya galit na galit na. Tumingin ako sa orasan. Alas-cinco 'y medya na pala. Kaya naman dali-dali akong tumungo ng banyo. "Hello?! Bakit 'di mo ako kinakausap?!" Bwisit na lalaking 'to! Suminghap muna ako, at saka ko siya sinagot. Nakakataas ng dugo ang lintik! "Pasensya, napahaba ang tulog ko," mahinahon kong sabi. "Iwan mo nalang ang card sa receptionist kung aalis ka, ako na bahala sa penthouse mo, maliligo lang ako saglit." Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko at bigla siyang natahimik sa kabilang linya. Tanging ang malalim na paghinga niya lang ang naririnig ko mula sa kanya. Huwag siyang chossy, masyado na siyang yummy para sa ganun. Kainis talaga ang Livi na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD