Chapter 5

1827 Words
Chapter 5 Jopay's POV Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Si Livi pinagluto niya ako. Akala ko puro kalibugan lang ang alam niya sa buhay nito, pero ngayon ito siya; nagluluto ng makakain ko—namin. Natuwa ako ng kalahati. Oo kalahati lang, basta kalahati lang talaga. Nagpasalamat ako sa kanya dahil sa kabutihan nito sa akin—kahit may kabalbalan na hard. Binigyan niya rin ako ng paunang sahud kahit na hindi ko naman kailangan, at kahit tanggihan ko ay he insist. Ibabayad ko ito sa paaralan na pinapasukan ko. Alas-nuwebe ng umaga na nang makalabas ako ng unit niya. Hindi na ako nagpahatid sa kanya dahil; ayaw kong may makakita sa amin ng ibang tao, at ayaw kong pinagtitinginan ako ng ibang tao. Umuwi ako ng Batangas—sa bahay namin. Nagpaliwanag naman ako kay Nanay Tasing kung bakit hindi ako nakauwi. Lumandi ng slight ang inyong anak, inay. Syempre hindi ko iyon sinabi, at baka ma-tsinelas pa ako ni nanay. Alas-otso na ng gabi. Nasa kwarto na ako at magpapahinga na sana nang may tumawag sa telepono ko. Unknown number. Sinagot ko. "Hello? Sino 'to?" matagal siya bago nakasagot dahil panay buntong hininga ang naririnig ko. "It's me," aniya sa mababang tono ng boses. Teka! Si ano 'to ah? "Livi?" tanging ungol lang ang natanggap kong sagot sa kanya. "Bakit ka tumawag?" tanong ko ulit saka humiga na sa aking kama. Hinihintay ko ang sagot niya. Masyado siyang tipid kung sumagot. Magsasalita pa sana ako dahil sa tagal niyang sumagot nang magsalita siya. "Nandito ako sa harapan ng baha ninyo," bigla ay napabalikwas ako ng bangon. "Ano?!" biglang tumaas ang boses ko. "Anong sabi mo?" Ilang segundo bago siya sumagot. "Huwag ka na nang magtanong. Lumabas ka nalang diyan at nilalamok na ako," So kasalanan ko?! Sino ba kasing nasabi na puntahan niya ako rito, at paa o niya natunton ang bahay namin. Napabuntong hininga ako at saka lumabas ng kwarto. Hindi na ako nagpalaam dahil alam kong hindi naman tatagal si Livi rito. Baka may sasabihin lang. "Anong ginagawa mo rito?" Agaran kong tanong ng makalapit na ako sa kotse nito. Pinasadahan ko siya ng tingin mula dulo ng sapatos niya hanggang sa pinaka-dulo ng hibla nang buhok nito. Nasa parteng madilim pa naman kami nang daan, kaya hindi kami masyadong nakikita. Ang hayup! Ang sabi nasa harapan ng bahay! "Get in," utos niya pinag buksan ako ng pinto sa may passenger seats. Dahil malamig sa mga oras na iyon, hindi na ako nakipag-talo pa. Agad naman ako pumasok at saka niya iyon sinara. Pumihit siya sa kabilang pinto at saka pumasok. Katahimikan muna ng ilang minuto bago ako nagsalita. "Paano mo natunton ang bahay ko?" Imbes na sagutin ay tiningnan niya lang ako. Ano ba ang pakay ng isang 'to? Napa-buga ako ng hangin at iginala ang paningin sa labas. "Saan mo nakuha ang numero ko? Anong kailangan mo at napunta ka pa sa bahay namin? Nag iwan na ako ng note sa penthouse mo, hindi mo ba 'yun nabasa?" Binalingan ko siya. Nahuli kong titig na titig siya sa akin. Tila ba binabasa niya ang bawat ekspresyon ng mukha ko. Nakakatunaw ang titig niya sa akin. "Nag resign na ako-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ng magsalita siya. "Do you think i'm agreed with your own f*****g nonsense reason?" "A-anong sabi mo?" Kumibot ang gilid ng labi ko. "Nonsense? Reason?" Napayukom ako. "Yes! Nonsense. Stupid nonsense." "Tangina!" Tumaas ang boses ko. Hindi man lang nagulat. The best ka talaga, abnormal! "Hindi naman housekeeping ang kailangan mo, o maid. s*x slave ang kailangan mo! Parausan kumbaga!" Nagtagis ang mga ngipin niya sa sinabi ko. Anong masama sa sinabi ko? Prangka lang. Dahil iyon naman talaga ang totoo. "What?!" Inirapan ko siya. "Ibabalik ko ang perang binigay mo sa akin," akma ko ng buksan ang pintuan ng maunahan niya ako. Sa sobrang lapit niya sa akin ay kulang nalang magdikit ang aming mga labi. Napaangat ako ng mukha. Hindi ko siya kayang tingnan. "Umalis ka diyan!" "Why would I?" "Umalis ka sabi!" Singhal ko pero 'di ko siya natibag. Imbes, ngumisi lang siya ng nakakaloko. Abnormal talaga. "At saan ka pupunta?" Napalunok ako ng makita kong nakatitig siya sa aking mga labi, pababa sa aking leeg. Naghahalo ang pabango nito at ang amoy ng alak niya. Ngayon ko lang napuna iyon, dahil siguro sa naging tulero ako. Mabango pa rin siya as usual. "Babalik sa loob ng bahay, kukunin ang pera at ibabalik sa 'yo," "Sinabi ko bang babawiin ko ang pera? Pumayag ba ako na mag resign ka sa trabaho mo?" Hindi ako nakasagot. Rinig ko nalang ang pag lock ng pintuan at saka siya umayos sa pagkakaupo. Naka-hinga ako ng maluwag. Mayamya pa ay tumahimik siya at nag isip. "U-umuwi ka na," nanliit ang boses ko. "Madaling araw na, saka may klase pa ako mamayang umaga." Dagdag ko pa sa kanya. Tumango ito. Ayaw kong halungkatin ang mga nangyari sa amin, sa penthouse niya. "Kakarating ko lang, pinapauwi mo na agad ako? Ni hindi mo nga ako pinatuloy sa loob ng bahay niyo," Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy! Adik ka ba?! Walang bisita sa ganitong oras! Kaya umuwi ka na, bumalik ka na sa penthouse mo, at matulog!" Nagkibit siya ng balikat. "Okay. We go ahead. Let's go?" At saka niya binuhay ang makina. "S-sandali! Hindi ako sasama sa'yo!" Hindi siya nakinig sa akin, bagkus pinaharurot niya ang sasakyan nito na walang pag aalinlangan. Dahil sa kagaguhan niya. Pinag hahampas ko siya sa braso. "Ibalik mo ako sa amin! Hahanapin ako ng ina ko at mga kapatid! Nakikinig ka ba sa akin?!" "Ang ingay mo!" "Mag iingay talaga ako dito sa loob ng sasakyan mo, hangga't 'di mo ako ibabalik sa amin!" Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'to! "Livi, ano ba?" Bigla niya hininto ang sasakyan nito. Sinimangutan ko siya ng binalingan niya ako. "I'm hungry and I wanted to eat." Kakain lang kailangan magpasama pa? At ako pa talaga mismo? "Wow huh? As in? Kakain ka lang magpapasama ka pa? Anong kain ba 'yang gusto mo? Pagkain na nakakabusog sa tiyan? O, pagkaing nakakabusog ng laman?" Alam niya kung ano ang ibig kong sabihin. "Ano? Hah? Tawag ng laman na naman ba 'yan kaya ako pa talaga ang pununtahan mo?" Hindi siya naka sagot. Masakit isipin na iyon ang habol niya sa akin. Dahil ba sa mabilis niya akong nauto ay magpapauto ulit ako sa kanya? "Bakit? Kapag hindi na pala virgin ang isang babae ay wala ng karapatang igalang o irespito?" "What the hell are you talking?" Mapait akong ngumiti. "Talaga? Hindi mo alam ang sinasabi ko? Pa blind ba? O, pa virgin epek?" Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Alam niyang seryoso ako sa aking sinabi at wala akong pakialam kung ano man ang lumalabas sa aking bibig. E, sa... prangka ako. May magagawa ba siya? "Maghanap ka ng ibang babae na maikama mo. Iyong nangyari sa atin, dala lang iyon ng kalasingan no'ng gabing iyon. Kasalanan ko rin dahil nagpatangay ako," "Anong pinag sasabi mo?!" Hinampas niya ng manibela, at doon ko nagulat. "May narinig ka ba sa akin na kahit na ano? Do I judge you? Huh? Tell me?! Do I?" Bigla akong kinabahan. Bigla rin akong natakot at hindi nakasagot. Bakit ba napaka-init ng ulo ng isang 'to? Kung makapag react, akala mo mag nobyo. Tss... As if naman kung marunong siyang sumeryoso. Sa tindig at kilos... isali na natin ang halimaw na performance sa kama, ay wala talaga siyang may sineryosong babae. "T-totoo naman, eh!" Kumperma ko. "Kahit hindi mo aminin, ay alam ko. Tama?" "Hindi ko alam pinag sasabi mo," Peke akong tumawa. "Hahahaha. At sa palagay mo maniniwala ako?" Ang sakit sa dibdib! Bwisit! "Ibalik mo na ako sa amin. O, 'di kaya hayaan mo nalang ako nagmalakad pauwi sa amin. Umuwi ka na rin." Napahilamos siya ng mukha sabay tingin sa akin. Lakas rin kasi makasayd ng utak ang isang 'to. "Iuwi mo na ako," Hindi na naman siya nagsasalita. Kaya mas minabuti kong tumahimik at mag isip. Mayamaya ay umandar na ang sasakyan at saka niya ito pinatakbo. "Gusto ko lang may kasamang kumain, mahirap ba 'yun? Wala akong ibang intensyon. If you are reffering about what happen last morning, i'm probably we're not out of our mind. Right? We both like at hindi ko iyon pinag-sisihan at alam kong ganun ka rin," Hindi ako nakapag-salita sa sinabi niya. Gusto kong mahiya sa aking sarili. "We both enjoy in that moment," kita ko ang ngiti niya sa labi na hindi maalis alis. Bumaling ang tingin ko sa labas ng daan, at pilit na huwag maluha. Ewan ko ba kung bakit ako nakaramdam ng kakaiba sa sinabi niya. Naalaala ko pa ang 'yong sinabi na sa akin ni Erwan. May dapat pa ba akong maipagmamalaki sa sarili ko? Palihim akong ngumiti sa sarili. Napahaplos sa aking braso suot ang manipis na jacket. "Nilalamig ka?" Untag niya sa akin at agad akong umiling. "Pasensya sa abala," aniya at bigla nalang tumahimik. Hindi ko siya pinansin. Nasa kahabaan na kami ng daan ng bigla siyang pumarada sa tabi. "Saan tayo?" "Lugawan," aniya at napatingin ako sa labas. Kakain tapos sa lugawan lang pala ang gusto. Daanan lang 'to sa amin at kailangan niya pa talaga akong isama. Pagkalabas ko ng sasakyan ay mas naramdaman ko ang hampas ng malamig na hangin sa aking balat. Ang iksi pa naman ng shorts ko. Mas lalo akong nilamig. Pekpek talaga. "Next time huwag kang magsuot ng maiksing pang-ibaba." Rinig ko ang boses niya sa aking likuran at naramdaman ko nalang na may pumatong na coat sa aking balikat. Makapal siya at hanggang binti ko iyon, matatakpan ang naka-lantad kong balat. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong treatment. When I was in a relation with Erwan, ay wala siyang ibang may nagawa sa akin kundi ang isekreto ako sa pamilya niya at mga taong kilala siya. Paano niya naman ako ipapakilala sa buong mundo kung ang estado ko ay hindi angat sa buhay. Napatatawa ako sa aking sarili. Ang hayup na 'yun. Minahal na nga, binigay na nga ang lahat, kulang nalang pati kaluluwa. "Tulala ka na naman. May problema ba? Saglit lang tayo, sabayan mo lang ako kumain at iuwi na kita sa inyo." Tumango nalang ako at hinawakan ang siko, saka iginaya sa isang pwesto ng lugawan. "Jopay, ikaw pala." Pansin sa akin ni Pedro. Si Pedro na tambay sa lugawan ni Aleng Mema. Oo. Kilala ko ang may ari ng lugawan kaya huwag ng maraming tanong. "Kumusta trabaho mo doon sa bar?" Lumapit siya at napatingin kay Livi. "Oh? Saan mo nadali ang lalaking 'to? Mukhan mayaman, ah? Sa bar din ba?" Nakakahiya sa aking sarili. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Iba kasi ang iniisip. Pansin kong bumaling si Livi sakin kahit hindi ko pa siya hinaharap. Nahihiya talaga ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD