Kabanata 3 - Galit

2925 Words
Ang halik na kanilang pinagsaluhan ay ang halik na hindi nya makakalimutan. Unang halik na kakaiba sa pakiramdam na gustong ulit-ulitin ni Catherine. Napahawak ang dalaga sa kanyang labi habang ramdam na ramdam parin nya hanggang ngayon kahit na ilang buwan na ang nakakalipas. Walang nabago sa kanila at katunayan ay parang naging hobby na nila ni Samuel iyon kapag silang dalawa lang. Palagi syang sinusunggaban ng halik ng binata kapag nasa isang tagong lugar sila.. Naalala nya na halos grabe ang halik na huli nilang pinagsaluhan. Hindi nya maunawaan kung bakit kapag nahahalikan sya nito ay nawawalan sya ng ulirat. Umiinit ang kanyang pakiramdam at halos ibigay nya ang lahat para lamang sa binata. "Uy! Tulala ka." Tumingin sya kay Pinky na suot ang pink gown nito habang nakamessy buns ang buhok nito. Naayon sa gaganaping okasyon ngayon sa kanilang bahay. "Wala, may naalala lang ako." Tumayo sya mula sa pagkakaupo at humarap sa salamin. Kinuha nya ang hikaw at kanyang isinuot. "Ano naman iyon?" "Wala.." halos pigilan nya ang matulala na naman tuwing eeksena sa utak nya ang halik na iyon. Hindi nya maalis alis at parang isang majika ang ginawa sa kanya ni Samuel. "Ah okay.. Oo nga pala, kailangan mo ng bumaba dahil marami ng bisita sa labas nyo." "Sige, pagkatapos ko rito ay bababa na ako." Iniwan na sya ni Pinky kaya napahinga sya ng malalim at napatingin sa kanyang sarili mula sa salamin. The yellow gown inspired in Belle. The fairytale theme of her nineteen'th birthday.. Last year; her debut is fine. Hindi man nya nacelebrate nung last year dahil nasa abroad sya ay naging maganda parin dahil namasyal sila ng pamilya nya sa Paris. Her dream destination. Kaya ayos lang sa kanya ang ganun kahit na dapat ang event ngayon ay para noong last year. Pero ngayon ay mas ayos dahil atleast ngayon ay naririto sya sa pinas at naririto lahat ng kamag-anak nya na tiyak na dadalo. Isang katok ang nagmumula sa pinto kaya binaba nya ang lipstick at hawak ang dulo ng kanyang gown na lumakad sya palapit sa pinto. Tumambad sa kanya ang tila isang prince charming na si Samuel. Agad itong pumasok at napangiti sya na napayakap sa leeg nito ng halikan agad sya nito. Halos hindi sya makahinga sa sobrang pagkakasakop ng binata sa kanyang labi. Sabik na sabik at mapang-angkin. Hingal na hingal na nagbitaw sila at napangiti sa isa't-isa. "Alam mo, mula ng halikan mo ako ay naadik na ako sa labi mo. Ang sarap mong humalik." Isang ngiti ang ginawad sa kanya ng binata habang hapit-hapit sya nito palapit sa katawan nito. "Tandaan mo ito, Catherine. Ako lang dapat ang hahalik sa'yo. Wag kang magpapahalik sa iba. Ako lang." "Huh? Bakit ikaw lang?" Hinawakan sya nito sa baba at pinisil bago ito napangiti lalo habang nakatitig sa mga mata nya. "Iyon ang kasalanang magagawa mo. Alam mo ba na tiyak na magagalit ang parents mo kapag ginawa mo iyon sa iba? Kaya dapat ako lang. Ako lang ang pagkakatiwalaan mo, hmm?" Tumango sya at ngumiti kaya nakita nya sa mga mata nito ang tuwa. Muli sya nitong hinalikan at ilang segundo lang iyon bago sya binitawan. Inaya na sya nito kaya naglipstick syang muli bago sila lumabas ni Samuel. Inalalayan sya nito sa grand stair habang nakatapat sa kanila ang spot light. Maraming mga nakadisenteng kasuotan ang nakatutok ang mga mata sa kanila. Napangiti sya at nakaramdam ng kaunting nerbyos, pero kampante sya dahil katabi nya ang binata. "You're so gorgeous, Catherine. Here's my gift." "Thanks, Leonie." nakangiti na inabot nya ang gift ng schoolmate nya. Mula ng malaman ni Leonie na magpinsan sila ni Samuel ay hindi na sya nito inaway, sa halip ay friendly na ito sa kanya. "Ah, Catherine.." Napaangat sya ng tingin na nakita nya na nakatingin ito sa side ni Samuel. Kausap ni Samuel ang mga kapatid nito dahil busy nga sya sa pag-abot sa mga regalo. "Yes?" "Pwede mo ba kaming paglapitin ni Samuel? Ikaw lang kasi ang sobrang close sa kanya. Gusto ko talaga si Samuel, please tulungan mo ako." Hinawakan sya nito sa kamay at may ngiti na ginawad. Hindi nya alam ang sasabihin sa bagong kaibigan. Parang ayaw nya, pero gusto naman nya na tulungan ito. Pero kusang tumango ang ulo nya na kinatalon nito sa tuwa at niyakap sya. Napapikit sya dahil pakiramdam nya ay mali ang desisyon nya. Dapat ay nanghingi muna sya ng permiso kay Samuel, baka magalit ito sa kanya. "What are you thinking?" Tumingin sya sa mata ng binata habang sila ay nagsasayaw. A romantic song play while they dance. She sighed and shook her head to him. "Stop thinking nonsense. I want you to focus on me." Kaya naman ay tumingin sya rito habang sila ay mabagal na nagsasayaw. Pinagapang nya ang daliri sa batok ng binata na kinaiba ng ekspresyon nito. "Stop torturing me, Candy." "Huh?" Hindi nya maintindihan ang bigkas ng binata. Gumalaw ang panga nito at binitawan na sya.. Magsasalita sana sya ng magpunta sa kanyang harapan ang Dad nya. Hindi nya namalayan na turn na pala ng Dad nya. Natuon ang mata nya sa Dad nya at ngumiti sya rito. Yumakap sya sa ama nya at napatingin sya sa binata na ilang layo lang ang pagitan nila habang pinapanood sila ng Dad nya. "Anak, I have a surprise for you." Umalis sya ng yakap at tinignan ang dad nya habang ngiti-ngiti sya dahil sa sinabi nito. "Ano pong surpresa nyo?" Huminto sila at humarap sila sa entrance kung saan pumapasok ang mga bagong dating na bisita. Napamaang sya na may isang matangkad na lalake. Kulay asul ang mga mata. Moreno. At nakasuot ng formal attire. Kilalang-kilala nya ito. "Happy birthday, Catherine." bati nito ng makalapit ito sa kanya. Niyakap sya nito kaya napayakap sya ng mahigpit din rito, "I missed you." "I missed you, too, Bosch." Bumitaw sila ng yakap at masayang napatitig sya rito. Hindi nya akalain na nasa harap nya ito. Isa itong busy na tao kaya hirap rin sa kanilang dalawa ang palaging magkasama. "Sir.." nakipagkamay ito sa Dad nya na agad na tinanggap ang kamay ng binata. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko kung hindi nagpaalam sa'yo." "It's okay, Sir. I know that this girl is so hard headed." Napanguso sya at mahinang pinalo ang braso ng binata. Natawa ang dalawa kaya lalo syang napanguso. "It's your turn, Bosch." Iniwan sila ng Dad nya kaya hinarap sya ni Bosch at kinuha ang mga kamay nya para ipahawak sa balikat nito. Humawak ito sa bewang nya at ngumiti. "Buti nakapunta ka pa rito sa pilipinas?" "Why? You are not happy to see me?" Umiling sya, "Ofcourse, I'm happy. But I know your situation." Napayuko sya dahil nakaramdam sya ng lungkot. Bosch is her boyfriend. She love him and she's happy to see him. But she knows that Bosch's father is never liked her for him. "It's his problem not us. Don't mind him again. I'll protect you from him, no matter what." Napahinga sya ng malalim at tumingin rito. Kaya nya nagustuhan si Bosch dahil napakabait nito. Ito rin ang una nyang nakilala sa state at naging kaibigan. Palabas na sya ng book store no'n dahil kakabili nya lang ng materyales para sa ginawa nyang design. Pero hindi nya akalain na may aagaw sa sling bag na dala nya. Hindi nya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Kailangan na makuha ang bag nya dahil nandoon ang importanteng bagay sa kanya. Pati ang contact ng mga taong nasa pilipinas. Hinabol nya ang lalakeng black amerikan, pero dahil sa heels nya ay hindi nya mahabol. Napaupo sya at napaiyak dahil ang masama pa no'n ay nandoon din ang pera nya at atm card. Hindi sya makakauwi kapag wala no'n. "Nakakainis naman! Hanggang rito ay may snatcher!" "Here.." Napaangat sya ng tingin at nakita nya ang isang matangkad na lalake na kulay asul ang mga mata. Moreno sya. Napatingin sya sa hawak nito at nakita nya ang sling bag nya kaya nabuhayan sya ng loob at agad na tumayo. Kinuha nya ang sling bag nya rito at muli nyang tinignan ang binata. "Thank you." Hindi ito umalis sa harap nya at napahawak ito sa batok bago ngumiti sa kanya. Gwapo ang binata, at simple lang ang suot nito. Isang puting t-shirt at ripped jean. At nakarubber shoes na lumang puti. "Sa susunod ay mag-iingat ka.. Maraming snatcher rin dito, kaya wag kang makampante." Nanlaki ang mata nya at napaturo sya rito na hindi makapaniwala. "Marunong kang magtagalog?" "And you also." Napatango sila pareho. Napangiti sya dahil sa wakas ay meron na syang makakausap sa lengwaheng pilipino. "Paano mo nalaman na marunong rin ako?" tanong nya. "I heard from you." Napaisip sya at napangiti ng maalala na nagsalita nga pala sya ng tagalog kanina lang, at tila narinig nito. "Salamat." "My name is Bosch San Diego." "Half filipino, half amerikan ka ba?" Tumango ito habang nakatingin sa daan. Naglalakad kasi sila para magpakilala sa isa't-isa. "Yes. My mom is amerikan, and my dad is filipino." Napatango sya, "Kaya pala kulay kayumanggi ka." Huminto sila at napansin nya na narito sila sa tapat ng isang motor. "Hatid na kita. Saan ka ba?" "Ah, wag na. Magtataxi nalang ako." tanggi nya. Tumalikod ito at may kinuhang helmet sa motor. Sumakay ito sa motor at binuhay ang makina bago inalok sa kanya ang helmet.. "No, I give you a ride. C'mon." Kaya naman dahil sobra ang pasasalamat nya sa binata ay tinanggap nya ang alok nito. Kaya mula noon ay palagi silang nakikita dahil sa state nakabase ang isang business nito. Dati ay hindi nya akalain na sobrang yaman nito. Mayaman ang ama nito. At dahil doon ay ayaw sa kanya ng ama nito dahil nakakasira lang daw sya sa relasyon ng mag-ama. Natigil ang pagbabalik tanaw nya ng may nabasag na syang lumikha ng ingay. Napatingin sya sa waitres at nakita nya ang mabilis na paglisan ni Samuel na bumangga doon sa waitres. Napasunod sya ng tingin rito at nakita nya ang mabilis nitong pag-alis. "Ano kayang nangyari kay Samuel?" Matapos ang kaarawan nya kagabi ay hindi pa pumupunta sa kanila si Samuel na nakakapanibago. Usually kasi ay umagang-umaga palang ay narito na ito para ayain nya o sunduin sya para sabay sila sa school. Ngayon ay wala ito, at nagtataka din sya sa pagwalk-out nito. "Baka sumama lang ang pakiramdam. Tanungin mo sya Catherine kung ayos lang sya." Tumango sya sa sinabi ng Dad nya at nagpatuloy sa pagkain ng pang almusal. "Anak, kamusta na kayo ni Bosch? Saan ba sya tumutuloy ngayon?" "Umuwe sya sa Manila dahil kailangan sya agad ng business nya doon, Mom." "Baka naman nagtatampo ka dahil doon, Anak? Ganyan talaga kapag may negosyong pinupundar. Kita ko naman ang effort ng nobyo mo sa pagpunta sa kaarawan mo. Kaya sana ay magpasensya ka." Napatango nalang sya at nauunawaan nya. Ganyan naman talaga ang sitwasyon nila ni Bosch. Dahil gusto ng binata na maging matagumpay para ipakita sa ama nito na kaya nito na kahit walang mana na nagmumula sa ama nito. Minsan ay nagtatampo sya pero mas malaki ang tiwala at pasensya nya para kay Bosch. Kita nya na pursigido ito, kaya sino sya para magtampo. Pagkatapos ng almusal nya ay nagpunta agad sya sa bahay nila Samuel. Naabutan nya ang parents nito na nakaupo sa sofa. "Hi, Tita, Tito." bumeso sya sa mga ito at naupo sa bakanteng sofa. "Hanggang ngayon ay blooming ka parin mula sa party mo kagabi. Pero dapat ay nagpapahinga ka dahil tiyak na pagod ka, bakit napasugod ka rito?" "Ah," tumingin sya sa paligid ngunit wala syang makita ni anino ng binata, "Si Samuel po, nasa kwarto nya po ba?" "Wala sya rito, lumabas. Ewan ko ba doon. Tinatanong ko kung bakit gumawa pa ng eksena kagabi. Hindi iyon lumabas ng kwarto nya ng puntahan ko sya, tapos kaninang umaga ay wala na ito sa kwarto nya." Napaisip naman sya. Maging sya ay naguguluhan kung bakit naging gano'n ang pinsan nya. Hindi naman pala masama ang pakiramdam dahil nakalayas pa nga ito. "Saan ko po kaya sya makikita?" "Tignan mo sa dalampasigan." sabi ng Tito Dimitri nya kaya napatango sya at nagpasalamat sa mga ito bago nagpaalam para umalis na. Mabilis na tinungo nya ang dalampasigan at panay ang libot ng mata nya upang hanapin ang binata. May nakita agad sya na mga turista at ilang babae na nakabikini suit. Hindi na nya pinag-ungkulan ang mga ito ng pansin at nilakad nya ang dalampasigan para hanapin si Samuel. Sa dulo ng dalampasigan kung saan hindi na pwedeng puntahan ng mga turista. Nakita nya kasi na may warning. Napatingin sya sa isang puno na may tree house na kasing laki ng kubo. At tila pasadya iyon dahil mukhang matibay ang mga kawayang ginamit. Dahil sa kuryosidad ay lumusot sya sa lubid at nilakad ang tree house. Tumingin sya sa paligid at nang walang anumang tao na sakaling makakakita sa kanya ay lumapit sya sa hagdanan. Maingat nyang inakyat ang hagdan at pagdating sa dulo ay nakita nya ang loob ng tree house na may ilang gamit tulad ng unan at kumot. Umapak sya sa sahig at pumasok. Nilibot nya ang tingin at napatingin sya sa mga kagamitan na nandoon. Manghang-mangha sya dahil para lang syang nasa simpleng bahay. Tinignan nya ang isang gitara. Hinaplos nya ito at nakita nya na may initial na SF ang gitara. Hinaplos nya ang isang drawer at binuksan. Nakita nya ang isang sketch pad. Kinuha nya iyon at binuklat. Sa unang pahina ay nakita nya ang guhit ng isang lalake na pamilyar na pamilyar sa kanya, pati ang gwapo nitong mukha. Hinaplos nya ang guhit. Ililipat nya sana sa next page ngunit may umagaw na no'n na kinagulat nya. Napatingin sya kay Samuel na napapatiim-bagang at masamang nakatingin sa kanya. Nakaramdam sya ng kaba habang nagkatitigan sila. Galit ito, ramdam na ramdam nya. Pero sa halip na kabahan ay nginitian nya ang binata. "Marunong ka pala talagang gumuhit. Iguhit mo naman ako." Hindi ito natinag sa pagtitig sa kanya kaya nawala ang ngiti nya. Nabigla sya ng itulak sya nito sa malambot na higaan. Napaayos sya ng upo at napatingin rito na naguguluhan. Naupo ito sa harap nya at hinawakan sya sa baba ng mariin na kinamaang nya. "S-Samsam.." Hindi ito nagsalita at pinagmasdan ang kanyang mukha. Tumayo ito at lumapit sa drawer. Nakita nya na kumuha ito ng bagong tasang lapis. Binuklat nito ang sketchpad at naupo sa drawer. Nakatingin sya rito at hindi nya alam pero naiiyak sya sa nangyayari rito. Pakiramdam nya ay may nagawa syang kasalanan. Pakiramdam nya ay kusa itong lumalayo na kinatakot nya. Napaiyak na sya ng tuluyan habang nakatingin rito. Nakita nya ang pagtiim-bagang nito habang nakatitig sa sketch pad. Malakas itong humugot ng hangin at lumapit muli sa kanya. Kinuha nito ang isang maliit na upuan at naupo ito sa harap nya. Pinahiran nito ang luha nya at ramdam nya ang galit sa pagpahid nito. "Stop crying!" Napaidtad sya ng sigawan sya nito. Napatingin sya rito at nakita nya na nanggigigil ito. "B-Bakit pakiramdam ko ay galit ka sa akin? M-May nagawa ba akong kasalanan?" "Hindi ka tumapad sa pangako, Catherine. Sabi mo mahal mo ako? Sabi mo ako lang?" "Mahal kita, Samuel. At ikaw lang naman talaga." Napaidtad syang muli ng ihagis nito ang sketch pad sa dingding. Mariin sya nitong hinawakan sa balikat na masakit. "Iba ang pagmamahal na sinasabi ko, Catherine!" Napabuka-sara ang bibig nya at napailing sya rito. "A-Ano bang pinagsasabi mo?" "Hindi ka naman sobrang tanga para hindi maunawaan ang sinasabi ko!" Umiling-iling sya at tinuklak ito kaya napaalis ito sa pagkakahawak sa kanya. Agad syang tumayo at mabilis na bumaba sa tree house. Umiiyak sya na tumatakbo palayo doon. Hindi nya maisip ang mga pinagsasabi ni Samuel. Mali lamang iyon. Tama, nalilito lamang ang pinsan nya. "Oh, bakit ka umiiyak?" "Wala po mom, masakit lang po ang ngipin ko." "Gusto mo bang dalhin ka namin sa dentist?" "Hindi na po, itutulog ko nalang po ito. Sige po, akyat po muna ako sa kwarto." Hindi na nya hinintay ang sasabihin pa ng mommy nya at mabilis syang umakyat sa taas at tinungo ang kwarto nya. Nanghihina na naupo sya sa kama habang iniisip si Samuel. Alam nya na nalilito lamang ito. At alam nya na babalik rin sila sa dati. Naguguluhan lamang ito sa nararamdaman nito. Hindi dapat sya magpaapekto. Tumayo sya at kinuha ang phone nya ng mag-ring iyon bigla. (Catherine!) Nilayo nya ang phone sa tenga nya sa lakas ng tili ni Pinky. "Oh?" Naupo muli sya sa kama at nahiga habang nakatapat sa tenga nya ang phone. (Oh lang? Tsaka bakit parang malungkot ang boses mo?) "Wala, minamalat lang ako." (Ah... Oo nga pala! Pwede favor?) Napangiti naman sya at napailing dahil kahit papaano ay sobra syang natutuwa kay Pinky. "Sure.." (Ahmmm...) "Ano?" (Catherine, pwede mo ba kami iset-up ng date ni Samuel?) Natigilan sya sa sinabi ng kaibigan. Naalala nya na pati si Leonie ay napangakuan nya na ilalapit kay Samuel. "Pero baka magalit sa akin si Samuel." (Asus. Ikaw pa. Hindi magagalit sa'yo iyon dahil ikaw lang naman ang pinapakinggan at sinusunod no'n.) Hindi nya alam. Galit sa kanya si Samuel. Alam nya na hindi na ito papayag. Tsaka baka mas lalong magalit iyon dahil maging si Leonie ay napangakuan nya. "Okay." Narinig nya ang pagtili sa tuwa ni Pinky, habang sya ay problemado. Hindi nya matanggihan ang mga bagong kaibigan. Kaya sana nga ay mapapayag nya si Samuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD