Palubog na ang araw ngunit nanatili lamang si Samuel na nakaupo sa buhangin habang nakatanaw sa dagat at sa araw na palubog na. Binabato nya sa dagat ang maliit na bato na kanyang nahahawakan.
Sobra syang nagagalit kay Catherine. Hindi ito tumapad sa pangako. Sabi nito ay sya lang ang mahal nito. Sabi nito ay sya lamang at walang iba.
"Ano?"
"Ahmmm.."
Tinignan nya ang dalaga na nakayuko habang hinahatak ang suot nyang t-shirt. Napahinga sya ng malalim at malakas na binato ang bato sa dagat.
"Wag ka nang magalit, Samuel."
"Nahalikan ka na ba ng gurang na 'yon?"
"Huh? Hindi pa naman!" agap nito, kaya tumingin sya rito ng matalim.
"Naman?"
"Bakit? Hindi pa naman nya ako hinahalikan. Sabi nya ay ginagalang nya daw ako."
Hindi alam ni Samuel kung matutuwa sya o maiinis dahil parang lumalabas na sya ay hindi ginagalang si Catherine. Nirerespeto nya ang dalaga pero syempre sinasamantala lang nya ang pagkakataon. Halik palang naman. Halik palang.
"Tama. At wag na wag kang magpapahalik sa kanya kung ayaw mong..."
Tinignan sya ng dalaga at hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Napahinga sya ng malalim at tumayo. Nagpagpag sya ng short at ng kamay bago pumamulsa sa board short nya.
Agad na tumayo rin ang dalaga at agad na kumapit sa braso nya.
"Hindi ka na galit sa akin, Samsam?"
Hindi nya sinagot ito at deretso lang syang nakatingin sa daan habang sumasabay ito sa kanya at nakakapit sa braso nya.
"Samsam, hindi ka na galit?"
Napahinga ng malalim si Catherine habang nakatingin kay Samuel na hindi sya sinasagot. Hindi nya alam kung galit pa ba ito o hindi na? Tinitignan nya ang sitwasyon kung maari na ba nyang sabihin rito ang nais nyang sabihin.
"Ahmm.."
"Go ahead."
Napangiti sya ng mapansin nya na hindi na ito galit. Tumikhim sya at tumingin rito para tantyahin ang sitwasyon..
"Samuel, ano kasi...bukas ay labas tayo."
Napahinto ito at kita nya na hindi makapaniwala itong napatingin sa kanya. Hinawakan sya nito sa balikat at tinignan ng tuwid habang napapangiti ito.
"Tayo? Lalabas tayo bukas?"
Alanganin syang tumango dahil hindi naman dapat iyon lang ang sasabihin nya pero iyon ang lumabas sa bibig nya.
Napangiti ito ng maluwag at napansin nya ang pagtingin nito sa paligid. Hinila sya agad nito kaya napasunod sya. Dinila sya nito malayo sa mga turista. Sinandal sya nito sa puno. Napatingin sya rito at napahawak sya sa balikat nito ng halikan sya nito. Napangiti na tumugon sya sa halik nito.
Hapit na hapit nito ang bewang nya habang patagal na patagal at palalim ng palalim ang halikan nila. Nagbitaw sila ng halik at niyakap sya nito ng makarinig sila na may taong dadaan. Hingal na hingal siya at maging ang binata.
Nang makalagpas ang mga taong dumaan ay tumingin sa kanya si Samuel at napangiti, kaya ngumiti rin sya at pinisil ang pisngi nito.
"Anong oras kita susunduin?" tanong nito kaya napaisip sya. May klase sila bukas kaya baka mga bandang hapon na.
"After class."
"Okay."
Hinawakan nito ang kamay nya at hinila na sya paalis doon. Hinatid sya nito sa tapat ng bahay nila kaya hinarap nya ito.
"Good night, Samsam."
"Good night."
Ngumiti sya rito at tumalikod na sya. Nang makapasok sya ng gate ay napalingon sya sa binata at nakita nyang hindi parin ito umalis habang nakatingin sa kanya. Ngumiti ito kaya kumaway sya bago tumalikod na nang tuluyan at pumasok sa loob.
"Oh, sa'n ka galing, anak?" tanong ng ama nya na nakaupo sa sofa habang nakikipaglaro kay Zach.
Lumapit sya sa mga ito at naupo sa tabi ng bunso nyang kapatid.
"Nagpunta lang po sa dalampasigan kasama si Samuel."
Nakita nya na naglalaro ng play station ang dalawa. Ito ang gusto nya sa dad nya na kahit sobrang busy ay may binibigay parin ito na time sa kanila. Isang sikat na abogado ang ama nya at balita nya na hawak nito si Seige na isa ring abogado ang kinuha.
"Halika na kayo! Kakain na!"
Binitawan na ng dalawa ang paglalaro at pinatay ang 55'inch flat screen tv nila.. Tumayo na rin sya at sumunod sa dalawa.. Naupo sila sa kanya-kanyang pwesto at masayang nagsalo ng pagkaing nakahain.
"Hon, kamusta na nga pala ang firm mo sa maynila? Balita ko ay marami kayong inaasikasong kaso ngayon?"
"Ayos lang naman, Hon. Nahihirapan lang ang mga tauhan ko sa kaso nung dalagang si Nesya. Hindi namin alam ang ginawa sa kanya dahil ayaw nyang aminin dahil natatakot sya. Pero base sa mga nalakap naming balita ay ilang beses itong minaltrato ng ama nito...kaya ayon, kailangan naming tutukan iyon lalo't walang ibang tutulong sa dalaga kundi ang firm ko."
"Grabe naman! Kawawa naman pala sya. Wala na ba syang pamilya?"
"Wala na ang ina no'n dahil pinatay ng sarili nyang ama."
Tahimik lang na nakikinig si Catherine sa kinukwento ng Daddy nya tungkol sa work nito. Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng pangamba na hindi nya malaman kung ano.
Pagkatapos nyang kumain ay umakyat na sya sa taas. Naupo sya sa harap ng work table nya at nilapag ang mga gamit nyang panahi. Gumagawa sya ng isang bonnet dahil malapit na rin ang taglamig. May pagbibigyan sya nito na tiyak nyang magiging special dahil hand made pa nya.
Nag-beep ang phone nya kaya natigil sya sa pananahi at kinuha ang phone nya na nakalapag sa table. Isang text message galing kay Samuel.
Samuel: I'm excited.
Napangiti sya dahil mabuti't masaya si Samuel. Pero tiyak na magagalit na naman ito sa kanya dahil hindi lang naman sya ang kasama nito kundi maging dalawa na si Pinky at Leonie.
Me: Thank you.
Nagpatuloy na sya sa pananahi habang napapangiti. Tinignan nya ang initial na nakaukit sa bonnet na malapit na nyang matapos. SF. Naalala na nya na nakaukit rin initial ni Samuel doon sa gitar nito, kaya ganun din ang pinaresan nya.
Napahikab sya at napatingin sa wrist watch. Napansin nya na pasado alas onse na pala. Sa tagal nyang ginawa ang bonnet at hindi nya napansin ang oras. Pero atleast, tapos na nya. Tinignan nya ito at excited syang tumayo bago lumapit sa salamin. Sinuot nya sa ulo ang bonnet at napangiti sya na napakaganda ng pagkakagawa nya. Hinubad na nya ito at muli syang lumapit sa table. Kumuha sya ng isang gift box at doon maayos na nilagay ang bonnet. Hinaplos pa muna nya ito bago isara at ilagay sa drawer. Nag-unat sya ng braso at papikit-pikit na lumapit sa kama. Bumagsak nalang sa kama ang dalaga at wala pang ilang segundo ay tulog na tulog na ito.
"Excited na akong makadate si Samuel. Hindi ko na palalagpasin ito. Ibibigay ko sa kanya ang mahiwagang regalo ko na tiyak akong maiinlove sya."
Nakapalumbaba na tinignan nya si Pinky na yakap-yakap ang malaki at matabang garapon na puno ng sticky note na may lamang saloobin ng kaibigan. Masaya sya at kahit papaano ay nakakatulong sya sa kaibigan kahit hindi naman nya sure kung magwo-work.
Umayos na sya ng upo ng pumasok na ang professor nila para math measuring subject. Tahimik syang nakikinig habang si Pinky ay ngiti-ngiti ngunit nakatingin naman sa professor nila. Napailing sya at napangiti dahil hibang na hibang talaga ang kaibigan nya.
"Dali!"
Napangiti sya na nagpahila kay Pinky matapos ang afternoon class nila. Pero napahinto ito sa tapat ng room ni Samuel kaya tinignan nya ang tinignan nito. Nakita nya si Leonie na nakaayos din ang buhok at mukha habang may dalang paper bag.
"Anong ginagawa mo sa tapat ng room ng prince charming ko?" inis na tanong ni Pinky sa isa pa nyang tinuturing na kaibigan na si Leonie.
"Hinihintay ko sya dahil may date kami." mataray na sagot naman ni Leonie.
Napahinga sya ng malalim at ngumiti habang nakapiece sign kay Pinky na tumingin sa kanya. Napapadyak ito kaya inalo nya ito ng magwala ito.
"Ayokong kasama ang bruhang 'yan! No! Ako lang ang kadate ni Samuel ko!"
Hindi sya mandaugaga sa pagpapatahan kay Pinky dahil pinagtitinginan na rin sila ng mga estudyanteng dumadaan.
"Sorry Pinky, nauna ko kasing pangakuan si Leonie."
"Tignan mo! Dapat ikaw ang wala rito dahil sabit ka lang."
Ambang susugurin ni Pinky si Leonie ay humarang na sya at napabuntong-hininga.
"Please guys, behave. Hindi pa nga ito alam ni Samuel. Kaya sana ay wag nyo akong pahirapan. Wala namang mawawala kung pareho nyong makadate si Samuel, 'di ba?"
Tinignan nya pareho at nakita nyang nag-irapan ang mga ito bago tumahimik kaya napahinga sya muli ng malalim. Napatingin sya sa pinto ng bumukas iyon at nakita nya ang paglabas ng mga estudyante. Inabangan nila si Samuel at huli itong lumabas habang nakapamulsa sa pants nito at sukbit-sukbit ang bag.
Napangiti na lumapit ito sa kanya at kinuha ang kamay nya kaya agad nyang binawi dahil napatingin doon sina Pinky at Leonie.
"A-Ah...Samuel, sila ang makakasama natin." alanganin at hindi sya makatingin rito ng makita ang pagkalito sa mata ng binata ng makita ang mga kaibigan nya.
"You said it's our---"
"Please..." tinignan nya ito sa mata na nakikiusap. Umirap ito at agad na naglakad kaya napahinga sya ng malalim.
"Anong ibig sabihin no'n?"
"Wala, tara na."
Dahil sa sinabi nya ay agad na tumakbo ang dalawa kay Samuel at nagpunta sa magkabilang gilid ng binata. Habang sya ay nakasunod sa likod at nakatingin sa mga ito. Napabuntong-hininga sya at nakonsensya dahil kita nya kanina ang inis sa mata ng binata.
Panaka-naka ang tingin nya rito habang nakaupo sya sa front seat at ito ay sa driver seat. Nasa likuran ang dalawa dahil baka hindi pa sila makaalis kung pipilitin ng dalawa na sila ang sa front seat. Isa lang naman ang kasya kaya walang choice ang mga ito kundi maupo sa backseat para fair.
Nagbabangayan parin ang dalawa habang sila ng binata ay tahimik. Nabigla sya ng hawakan nito ang kamay nya kaya agad nyang inalis ang kamay nito at napatingin sya sa dalawa na hindi naman napansin dahil parehong nakatingin sa bintana habang nagpapasaringan. Tumingin sya kay Samuel na ngumisi at hindi na muli kinuha ang kamay nya kaya lihim na nakahinga sya ng maluwag. Hindi nya malaman kung bakit kinakabahan sya na may ibang makakita. Lalo't ayaw nyang magalit ang mga kaibigan dahil baka wala na syang makausap sa school.
"Sine tayo!"
"No, shopping!"
Nakita nya na hindi tutol si Samuel ng hawakan ng dalawa ang braso nito habang papasok sila ng mall. Nakasunod lamang sya at napapangiti dahil kahit papaano ay nagkakasundo ang dalawa kapag si Samuel ang nagsasalita.
Dahil naunang pinili ni Samuel ang shopping ng mga damit ay doon sila nagpunta. Malayo sya sa mga ito at tumitingin-tingin na rin sya ng mga damit baka may maibigan sya. Lumipat sya sa isang stand pero nabigla pa sya ng may biglang humila sa kamay nya. Ang binata iyon, kaya napatingin sya sa paligid para hanapin ang dalawa. Nakita nyang nasa damitan pa ito ng mga lalake habang nagpapasaringan na naman. Tila may pinag-aagawan.
Sa fitting room ay pinasok sya ni Samuel at sinandal sa dingding. Sinara nito ang pinto at kinorner sya habang mabagsik itong nakatingin sa kanya.
"You lie to me, Candy."
"Sorry." napayuko sya pero hinawakan nito ang baba nya para ipatingin muli sa mukha nito.
"It's okay, atleast I can kiss you right now."
"Huh?" ngumisi ito sa reaksyon nya at agad na sinakop ang labi nya kaya napahawak sya sa braso nito. Hinapit sya nito sa bewang at ginitgit sya sa dingding. Napayakap sya sa leeg nito at tumugon sa halik nito. Bumilis ang t***k ng puso nya at ramdam din nya ang pagtibok ng puso nito. Wala ni isa ang bumitaw sa sobrang tamis ng kanilang halikan.
"Nasaan kaya ang mga iyon?"
Bigla syang napadilat at bumitaw ng halik kaya dumilat ang binata. Hingal na hingal sila na nagkatitigan habang pinapakinggan ang boses ng mga kaibigan nya.
"Labas na tayo. Hinahanap na nila tayo." bulong nya sa binata.
"Mamaya na kapag nakaalis na sila." muli nitong sinakop ang labi nya at hindi nya maawat ito. Nang alam nyang nakalayo na ang mga yapak ng kaibigan ay bumitaw sya ng halik.
Inayos nya ang sarili at nauna syang lumabas. Panay ang tingin pa nya sa paligid bago nagmadaling umalis sa tapat ng fitting room. Lumingon sya kay Samuel na kalalabas lang ng fitting room.. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa kanya at dinilaan ang labi.
"Hoy! Nandito ka lang pala!"
Napatalon sya sa gulat at napapikit habang nakahawak sa dibdib. Dumilat sya at gulat na gulat na napatingin sa dalawa na nakatingin sa kanya na nagtataka.
"Oh, ayun lang pala si Samuel." sabi ni Leonie at agad na lumapit sa binatang kunwari ay tumitingin ng damit. Nakahinga sya ng maluwag pero napatingin sya kay Pinky na nakatingin sa kanya habang may tinitignan sa mukha nya kaya agad syang nagpahid ng labi.
"Anong nangyari sa labi mo? Parang sobrang pula?"
"A-Ah, pinisil ko kasi." napatalikod agad sya rito at kunwari may hinahawakang damit pero napapikit sya sa naging palusot nya.
"Thank you, Bessy."
"Huh?" lumingon sya kay Pinky at napatingin sya sa kamay nito na kinuha ang hawak-hawak pala nyang nakahanger na t-shirt na panlalake.
"Kanina pa ako naghahanap na pwede kay Prince Samuel, mabuti at nakita mo ito."
"Ahh.." Natawa nalang sya at lihim na nakahinga ng maluwag.
Nagbayad ang dalawa kaya sila ni Samuel ay naghintay sa labas. Inakbayan sya ng binata kaya napatingin sya sa dalawa na busy sa pagbabayad.
"Exciting, right?" bulong sa kanya ng binata na kinataka nya.
"Anong exciting do'n? Alam mo ba na aatakihin ako sa puso dahil sa pinaggagawa mo?"
"Bakit ka natatakot? Wala ka naman dapat na ikatakot."
Inalis nya ang kamay nito sa balikat nya at hinarap nya ito.
"May dapat akong ikatakot. Sabi mo gagawin lang natin iyon kapag sa tagong lugar dahil bawal makita ng iba? Paano kung nakita tayo ng kaibigan ko? Magagalit sila sa akin dahil baka isipin nila ay inunahan ko pa sila."
Napahalakhak ang binata at pinisil ang pisngi nya na kinangiwi nya.
"So innocent, My Candy. Don't worry, kapag nakaipon na ako ng pera ay mamasyal tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Para magawa ko na ang nais ko sa atin."
"Saan naman 'yon?"
"Basta." ngumiti ito at tumingin sa mga kaibigan nya na rinig na ang boses kaya umayos sya.
Pagkatapos nila sa shopping ay sa sinehan naman sila. Katabi ng dalawa ang binata at sya ay sa tabi ni Pinky. Isang love story ang pinapanood nila na umaanting sa puso nya.
"Oh my gosh! Kainis naman!"
Napatingin sya kay Leonie na nakatingin sa phone nito.
"Sagutin ko lang, guys." tumango sya rito at binaling na muli ang mata sa pinanood habang kumakain sya ng pop corn.
Maya-maya pa ay si Pinky naman ang nag-excuse dahil may tumatawag rin dito. Kaya sila nalang ni Samuel ang naiwan. Nawala sa pinanood nya ang mata at napatingin sa binata na tumabi sa kanya.
"Bakit ka lumipat? Baka pabalik na ang mga iyon."
"Hindi na 'yon, trust me." napangiti ito ng maluwag habang nakatingin sa big screen. Napatingin sya sa bag na dala ng mag-beep ang phone nya. Binaba nya sa gilid ng upuan nya ang pop corn at kinuha ang phone. Nakita nya ang text ng dalawa na nagpaalam na aalis na dahil may emergency daw sa bahay.
"Huh? Sabay pa sila?" tanong nya sa sarili. Napatingin sya sa kamay ni Samuel na umakbay sa balikat nya kaya napatingin sya sa binata.
"Ngayon, ito na ang matatawag kong date." lumingon ito sa kanya at ninakawan sya ng halik na kinanguso nya, "Walang asungot at magagawa kong magpakasweet sa'yo." dagdag nito at napangiti.
"Ikaw ang may kagagawan kaya umalis ang dalawa, no?"
Hindi ito sumagot at nilagay ang pop corn sa kandungan nya kaya agad nyang hinawakan.
"Subuan mo ako." sabi nito habang nakatingin sa big screen kaya napailing sya at sinubuan ito na mas kinangiti nito.
Nag-enjoy sila sa panonood at pagkatapos ay kumain naman sila sa isang restaurant. Magkatabi sila sa coach habang nakahawak ito sa bewang nya. Pumipili sila ng kakainin nila at tinuro nya ang maibigan nya na agad namang inoorder ng binata.
"Mukhang masarap ang food nila dito."
"Yes." tugon nito habang nasa kanya lang ang buong atensyon nito.
"Samuel, sino ang nagustuhan mo sa dalawa?" tanong nya at pumalumbaba sya na tinignan ito.
"Wala."
"You mean, wala kang natipuhan sa kanila?" napanguso sya at nalungkot para sa mga kaibigan.
"Wag ka na muli magpagamit sa mga iyon, naintindihan mo ako? Hindi ko sila gusto. Wala sa kanila ang gusto ko dahil ang babaeng nagugustuhan ko ay nasa tabi ko."
Nagkatitigan sila at lumakas na naman ang pintig ng puso nya na hindi nya malaman.
"Syempre, gusto mo ako dahil close tayo. Ang ibig kong sabihin ay wala ka bang matitipuhang ibang babae na pwedeng gawing girlpren?"
"Tsaka na natin pag-usapan iyan dahil alam ko na maiintindihan mo rin ang gusto kong sabihin balang araw."
Dumating na ang order nila kaya siguro umiwas na ang binata sa tanong nya. Gaya ng dati nitong ginagawa ay pinaghihimay sya bago nito asikasuhin ang pagkain nito.
"Hi, Sir, Mam. Gusto nyo pong i-try ang fortune letter namin?"
"No. Hindi mo ba nakikita na kumakain kami?" masungit na agap ni Samuel.
"It's okay. Wag mo ng pansinin ang lalakeng ito. Ano ba 'yan?" tinakpan nya ang bibig ni Samuel habang nakangiti sa waiter.
"Choose one, Mam. And you two, Sir. If the letter is much, you are destined to each other."
Manghang-mangha naman ang dalaga at kumuha ng isang nakatuping papel sa isang bowl. Binitawan nya ang bibig ni Samuel at siniko nya ito habang sinesenyasan na kumuha ng isa. Napipilitan na kumuha ito at nang makakuha sila pareho ay iniwan na sila ng waiter. Binuksan nya ang kanya at binasa ang nakasulat.
"Hindi kailanman..." basa nya kaya kinuha nya ang hawak ni Samuel at sya na ang bumuklat para iduktong sa letter nya, "Maaaring magmahalan?"
Tumingin sya kay Samuel na nakatingin din sa letter.
"Sabagay, may point." aniya.
Nagulat sya ng kunin ng binata ang papel at nilamukos. Tumayo ito at kinuha ang wallet. Napatingin sya sa nilapag nitong pera.
"T-Teka, Samsam!"
Hinila sya nito paalis sa kinauupuan. Napatingin sa kanila ang mga tao maging ang waiter kaya yumuko sya at nagpahila sa binata.
Paglabas nila ng mall at nang makarating sa kotse ng binata ay binitawan nito ang kamay nya at sinipa nito ang gulong ng kotse nito.
"Walang kwenta iyon! Sino ba sila para diktahan ang kapalaran natin?"
"Pero...tama naman iyon, 'di ba?"
Marahas na nilingon sya ng binata kaya napalunok sya. Lumapit ito sa kanya at bigla syang sinandal sa kotse nito.
"Tingin mo?"
Tumango sya rito habang naguguluhang nakatitig rito. Pagak itong natawa at hinawakan sya sa mukha.
"Pwes, nagkakamali ka.. Dahil ako ang magdidikta sa gusto kong kapalaran natin."
Tumitig ito sa kanya habang hinahaplos nito ang pisngi nya. Lumapit ang mukha nito kaya napahawak sya sa polo nito. Dumampi ang labi nito at itinagilid ang mukha bago sya tuluyang halikan nito sa paraan na gusto nito.