Kabanata 18 - The Father

3242 Words
"Four years ago, natagpuan sya ni Marco Estrella sa dalampasigan.. Wala pang nakakaalam noon kay Veronica dahil itinago ni Marco ang totoo kung saan nya nakita si Veronica." Napakuyom ng kamay si Samuel habang nakatanaw sa glass window kung saan ay tanaw na tanaw ang dagat. Narito sya sa isa sa mga hotel ng isla kung saan sya namalagi. "Wala bang namagitan sa dalawa sa loob ng apat na taon?" tanong nya kay Ren na syang pinagkuhanan nya ng impormasyon. Kilala nito ang bawat tao sa isla, kaya ito ang hiningan nya ng impormasyon ukol kay Veronica or let's say Catherine. "Ang alam ko ay nililigawan ni Marco si Veronica, pero hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay na relasyon ng dalawa." Lumingon sya kay Ren habang may seryosong mukha na mababakas. "Salamat, Ren, sa impormasyon. Sapat na iyon at gusto ko muna na mapalapit sa anak ko, bago magpakita kay Catherine." Ngumiti ito at lumapit sa kanya, tinapik nito ang balikat nya. "Hangga't naririto ka ay tutulungan kita hanggang saan ang makakaya ko.. At sana ay maisama mo na rin pauwi ang mag-ina mo." "Salamat." Ngumiti sya rito at tinapik rin ang balikat nito. "Sige, mauna na ako.. Teks-teks nalang." Tumango sya kaya tumalikod na ito at umalis. Lumapit muli sya sa bintana at tinanaw ang dagat. Kaya pala ng hanapin nila si Catherine sa islang ito ay hindi nila mahanap. Itinago at iniba pala ang pangalan nito na syang kinainit ng dugo nya. Apat na taon syang nalugmok sa lungkot at sakit sa pagkawala ng dalaga. Kamuntikan na rin syang sumuko at hindi na umasa na buhay pa ito, tapos 'yun pala ay naririto lang sa isla'ng ito ang mag-ina nya. At ang kinaiinis nya ay nakadaop-palad na nya ang anak nila ay hindi pa pala nya nalalaman. Kaya pala iba ang pakiramdam nya habang kausap at nahahawakan ang bibong bata na si Star. Anak at dugo nya ang dumadaloy sa batang iyon na nakuha ang talento nya sa arts. Pero ngayon, hindi na nya hahayaang palagpasin pa ang oras. Sisiguraduhin nyang uuwi sya na kasama ang mga ito. "Si Star walang tatay! Haha!" "Meron akong tatay!" Tinulak ni Ayin si Star kaya napaupo sa sahig ng classroom ito at nangilid ang luha. "Wag kang imbento! Sabi nila Nanay, wala ka daw tatay. Siguro daw ay nabuntis lang ang nanay mo, kaya si kuya Marco ang nilalapitan nya para akuin ka." Napaiyak ng tuluyan si Star dahil sa sinabi ni Ayin. Tinukso na rin sya ng ibang bata kaya nagsusumigaw sya ng 'Mama'. "Hey, bakit nyo inaaway ang anak ko?" Natigil ang mga bata sa pagtutukso kay Star ng biglang sumulpot si Samuel na akala nila ay hindi na muling magpapakita pa. "Idol!" Namilog ang mata ni Star at nawala ang pag-iyak nito. Napapahid ito ng luha at tumayo bago humarap kay Samuel na napapangiti. "Akala ko ba ay matapang ka? Bakit umiiyak ka?" Napayuko ito kaya naman nakaramdam sya ng pagbihugno ng damdamin dahil sumasakit ang dibdib nya ng makitang umiyak ito. "Inaasar po kasi nila ako na walang tatay." Napatikom ang bibig nya at hinawakan nya ito sa balikat habang nakaluhod sya sa harap nito. "Don't cry, baby.. I'm here now." aniya. Napaangat ito ng tingin kaya ngumiti sya. Nagtataka ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. "Po?" Natawa sya at niyakap ito. Napapikit sya at napatingala habang hinahaplos haplos ang buhok nito. Napakasarap sa pakiramdam na ngayon ay yakap-yakap na nya ang anak nya. Hindi parin sya makapaniwala. Binuhat nya ito habang yakap-yakap nya parin ng tumayo sya. Tumingin sya sa mga bata na napayuko at natahimik. Napahinga sya ng malalim at hindi na pinatulan ang mga bata dahil 'away-bata' lang din naman ang nangyari. "Mr. Ford." Humarap sya kay Mrs. Lacson na syang head teacher ng learning center. Gulat ito at maging ang ilan na naging co-teacher nya. "Bakit narito ka pa? Akala ko ba ay nakaalis ka na." Ngumiti sya at inayos ng pagkakakilik si Star sa bisig nya. "May naiwan lang ako na kailangan ko ho na maisama pabalik." Naguluhan ang mga ito na nakatingin sa kanya. Kaya napangiti nalang sya at tinignan si Star. "Isasama ko ho si Star at kailangan ko syang makausap." aniya. "Pero, baka hanapin sya sa amin ng Mama nya." pigil sa kanya ni Mrs. Lacson, ngumiti sya rito at lumakad palapit sa mga ito. "Ako na ho ang bahala doon. Star is my daughter." Napasinghap ang mga ito at nagkatinginan tila ba hindi makapaniwala ang mga ito sa sinabi nya. "Sige ho, mauna na kami." Tumalikod na sya habang buhat-buhat sa kanyang bisig si Star. Hanggang ngayon ay hindi nya maipaliwanag ang pakiramdam na nakikilik na nya ang anak nya. Nalulungkot man sya na hindi nasaksihan ang pagsilang rito ay ayos lang, ang mahalaga ay buhay ito at si Catherine. "Tatay ko po kayo?" Ngumiti sya kay Star na nakatitig sa kanya ng magtanong ito. "Oo. At gusto kitang makausap dahil marami akong gustong malaman sa inyo." Napangiti ito at humawak sa mukha nya bago sya niyakap sa leeg. Hinaplos nya ang buhok nito at lalo syang napangiti. Dinala nya sa hotel na kanyang tinutuluyan si Star. "Wow!" napatakip ito ng bibig kaya natawa sya. Umakyat ito sa kama at nagtatalon kaya napahalukipkip sya at pinagmasdan ito. "Ang lambot naman po ng higaan nyo!" tuwang-tuwa na nagtatalon ito kaya lumapit sya rito. Naupo sya sa kama at hinawakan nya ito sa bewang bago binuhat at inupo sa kandungan nya. "Hayaan mo, higit pa d'yan ang magiging higaan mo oras na makauwi na tayo." "Talaga po? Pero hindi pa po alam ni Mama. Baka magalit si Mama." Mama pala ang tawag nito kay Catherine. Ang sarap pakinggan lalo na kapag galing sa anak nila. "Hindi iyon, akong bahala." Hinalikan nya ito sa noo at muling niyakap dahil sobra talaga ang pananabik nya rito. - Sa kabilang banda ay sya naman ang punta ni Veronica sa Learning Center. Ngunit kakaiba ang kaba nya ng hindi makita si Star sa mga batang kasama nito sa room. "Ms. Dela Cruz, bakit narito kayo?" Napakuno't noo sya sa tanong ng head teacher na si Mrs. Lacson. "Ako ang dapat na magtanong sa inyo, Mrs. Lacson. Where's Star? Why she's not here?" Nakita nya na hindi ito napakali kaya kinabahan sya. "Kinuha kasi sya ni Mr. Ford. Ang akala ko ay dadalhin nya sa inyo si Star." Parang tumaas naman ang dugo nya sa sinabi nito. Napahigpit ang hawak nya sa dala nyang pitaka. "Pinagkatiwala nyo ang anak ko sa isang estranghero? Anong klase kayo? Wala akong kilalang 'Mr. Ford'! Bakit nyo binigay ang anak ko? Paano kung ano na ang ginawa no'n sa anak ko?" Nanginginig ang kamay nya at napahawak sya sa sentido ng sumakit iyon. Palagi na syang stress dahil sa trabaho at dahil sa palagi nyang napapanaginipan ang mga taong tinatawag syang 'Catherine'. Tapos hanggang dito ay maiistress pa sya. "Pasensya ka na talaga, Ms. Dela Cruz, kung nagpabaya kami....teka! May address nga pala rito sa amin si Mr. Ford. Baka dito mo sya makikita." Napadilat sya at napatingin kay Mrs. Lacson na may sinulat sa papel at pagkaraan ay inabot sa kanya kaya kinuha nya. "D'yan sa hotel tumutuloy si Mr. Ford. Sana ay makatulong iyan. Pasensya ka na at nagpabaya kami. Akala kasi namin kilala nyo sya." Tumango nalang sya at napahinga ng malalim. Sa sobrang pagdaloy ng kaba sa dibdib nya sa pagkawala ni Star ay para na syang sasabog. "Pasensya na rin ho kung nasigawan ko kayo. Hindi ko ho talaga makakaya na mapahamak ang anak ko, kaya sana ay maunawaan nyo ako." "Nauunawaan ka namin." ngumiti ito at tumingin sa kanya na may paumanhin na tingin. Umalis na sya ng learning center at agad na tinungo ang hotel na sinasabi nito. Bitbit nya ang pitaka habang suot lamang ang simpleng t-shirt na pink habang nakamaong na pantalon sya at tsinelas. Ganoon naman ang parati nyang ayos kapag susunduin si Star sa school. Wala syang pakialam sa ayos nya dahil ang tanging atensyon lang nya ay ang anak nya. Lumapit sya sa front desk clerk ng makapasok sya sa nasabing hotel. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa pitaka ng huminto sya sa harap ng isang babae. "Hi, Good day, Mam. What can I help you?" pambungad na bati nito.. "Ah, nais ko lang na itanong kung dito ba tumutuloy si Mr. Ford?" tanong nya. "I'm sorry, Mam, pero hindi po kami nagbibigay ng impormasyon sa mga costumer namin." Napahinga sya ng malalim at mapaisip ng dapat pang sabihin nya.. Tumingin syang muli sa babae na may seryosong mukha. "Pwede bang pakisabi sa kanya na narito ang Mama ni Star, please." "Okay, Mam, I check. Please wait for a while.." Tumango sya at tinignan ito na lumapit sa landline phone at may pinindot doon tila iyon ang numero ng room ng 'Mr. Ford." na iyon. Lumapit sya muna sa couch sa lobby at naupo. Hindi nya mapigilan na mapaisip habang naalala nya ang napapanood nyang balita sa T.V patungkol sa mga batang dinadala ng mga foreigner sa hotel at doon inaabuso. Mas sumiklab ang pangamba at pag-aalala sa anak nya dahil sa naisip. Nanginginig na ang mga kamay nya sa takot. "Mam!" Napatingin sya sa babaeng front desk clerk. Nakangiti ito at talagang lumapit pa sa kanya kaya napatayo sya. "Mam, pinapapunta po kayo ni Mr. Ford sa room nya. Room 471." "Salamat, maraming salamat." "You're welcome, Mam." Ngumiti ito at yumuko bago umalis. Humugot sya ng maraming hangin bago lumakad upang tunguhin ang elevator. Sumakay sya na maraming naiisip na posibleng mangyari oras na makaharap ang 'Mr. Ford' na iyon.. Baka kaya sya pinapaakyat ay dahil nais rin syang abusuhin. Hindi sya makakapayag na mangyari iyon lalo na kay Star. Pumikit sya at nanalangin na sana ay makuha na nya si Star at makauwi sila ng matiwasay. At sana ay kaya nyang makaharap kung sino mang foreigner iyon na kumuha sa anak nya. Dumilat sya at tinignan ang numero ng elevator, kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto hudyat na narito na sya sa floor ng sinasabing tinutuluyan nung 'Mr. Ford.'. Huminga sya ng malalim at humakbang na paalis ng elevator. Habang naglalakad ay pabilis na pabilis ang kabog sa dibdib nya. Tinignan nya ang bawat numero sa pinto hanggang sa mapahinto sya ng makita ang room 471. Humigpit ang hawak nya sa pitaka at tinapangan ang mukha na lumapit doon sa pinto. Humugot sya muna ng maraming hangin bago naglakas ng loob. Kumatok sya at hinintay na magbukas ang pinto. At ilang saglit lang ay pumihit na ang pinto pabukas kaya mas napahigpit ang hawak nya sa pitaka. Nang lubusang bumukas ay bumungad sa kanya ang isang matipunong lalake. Basa ang buhok nito ngunit hindi nakabawas iyon sa kakisigan nitong taglay. Napababa sya sa katawan nito at shirtless ito habang basa ang katawan dahil mukha itong bagong ligo. Napalunok sya at ang tanging suot lamang nito ay loose black jogging pants. Hindi nya alam kung bakit dumagundong ng mabilis ang puso nya ng makita ang gwapong lalake na nasa harap nya habang nakatitig sa kanya. Parang nanabik ang puso nya kaya ito bumilis na parang tumakbo ng napakalayo. "S-Si Star?" Niluwagan nito ang bukas ng pinto at sinenyasan syang pumasok kaya pinakalma nya ang sarili. At kahit parang pinangangatugan sya ng tuhod dahil sa presensya ng lalake ay pinilit nyang makahakbang papasok. Para syang matutumba at hindi nya maunawaan kung bakit ganito nalang ang nararamdaman nya ng makita ang lalake. Nilibot nya ang tingin at lumakad pa sya. Napatingin sya sa kama at doon ay nakita nya si Star na mahimbing na natutulog habang yakap-yakap ang puting unan ng hotel. Agad nyang nilapitan ito at naupo sya sa gilid nito. Inalis nya ang unan na yakap nito at bubuhatin na sana nya ito ng matigilan sya ng hawakan sya ng lalake sa braso na nagbigay ng ilang spark sa katawan nya. "Hayaan mo sya, kailangan nating mag-usap." ani nito. Hinila sya nito kaya napasunod sya habang pilit nyang kinukuha rito ang kamay nya. Huminto ito at binitawan sya ng makalayo sila. "Bakit mo kinuha si Star? Alam mo ba na pwede kitang kasuhan ng crime for kidnapping?" Imbes na mag-react ito sa sinabi nya ay nakatitig lamang ito kaya nailang sya. "Hindi mo ba ako kilala?" tanong nito at ramdam nya ang pinipigil nitong emosyon. "Hindi, sino ka ba?" Napatalikod ito at humarap sa malaking bintana na kitang-kita sa pwesto nya ang tanawin sa dagat. "I'm Samuel Ford, 24 years old. And you are Catherine Andy Ford, 23 years old." Catherine? Yung pangalan na palaging sinasabi ng mga tao sa panaginip nya? "Ano? Anong pinagsasabi mo?" Humarap ito at nabigla sya ng makita ang pagpatak ng luha sa isang mata nito. Kita nya ang pagod nitong mga mata habang nakatingin sa kanya. "Four years since you lose, I thought you were dead. But I never lost hope. Kahit malabo ay sinuyod ko ang bawat isla na posibleng pinag-agusan mo, pero wala, hindi parin kita makita. Sobra ang sakit na naramdaman ko sa araw-araw kapag naalala kita lalo na ang bawat parte ng isla kung saan maraming nangyari sa ating dalawa. Those days is like a f*****g hell. I want to die also. I want to kill myself to be with you. But, I knew that was not right." Napabuka-sara ang bibig nya sa sinabi nitong parte ng buhay nya. Ramdam nya ang sakit, pangungulila, at lungkot na naramdaman nito habang sinasabi iyon. Parang sumasakit din ang dibdib nya at naaawa sa sinapit nito. "H-Hindi ko maunawaan kung ano ang sinasabi mo.. Ano ba kita?" Tumingin ito sa kanya at lumapit kaya medyo napaatras sya. Nakita nito ang ginawa nyang pag-atras kaya hindi na ito humakbang pa para lumapit sa kanya. "Mama...Tatay." Napatingin sya sa gawin ni Star at hindi sya makapaniwala sa tinawag nito sa lalakeng nagngangalang Samuel. "Tatay?" tumingin sya kay Samuel na nakatingin kay Star, "Bakit ka nya tinawag na tatay?" Lumingon ito sa kanya at tinignan sya tila ba tinatantya ang reaksyon nya. "Ako ang ama ni Star. Ikaw ang nawawala kong girlpren. Buntis ka ng mawala ka sa dagat." Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito. Napahawak sya sa sentido at napapikit ng sumakit ito. Ang daming boses syang naririnig. Hindi nya makita ang mga mukha. Parang lumulutang ang pakiramdam nya at nabibingi sya sa bawat boses na naririnig nya sa isip nya. Dumilim ang lahat at para syang pinanlambutan ng katawan. "s**t!" agad na sinalo ni Samuel si Catherine ng makita ang pagkahimatay nito. "Tatay, ano pong nangyari kay Mama?" Hindi nya masagot si Star at agad na pinangko nya si Catherine bago dalhin sa kama. Maingat nya itong hiniga at agad na tumawag sya sa emergency number. "Mama huhuhu.." Napatingin sya kay Star na umakyat ng kama at niyakap si Catherine. Naalala nya noon na ganyan si Catherine kapag iiyak at yayakap sa Mommy nito tuwing tinutukso nya. Napalunok sya at gusto nyang sabunutan ang sarili dahil dapat hindi nya ito binigla. Dapat ay hindi muna nya sinabi agad. Pero kasi, atat na atat na syang sabihin rito kung sino sya sa buhay nito at anak nya. Ayaw nyang mawala muli ang mga ito, at baka mamaya, kung patatagalin pa nya ay baka maagawan pa sya. Agad na sinugod nila sa pinakamalapit na hospital si Catherine. Buhat-buhat nya si Star habang tinitignan ng doctor ang kalagayan ni Catherine. "Nahimatay sya dahil hindi maabsorb ng isip nya ang bawat pangyayari sa isip nya na hindi nya alam kung nangyari nga ba sa totoong buhay nya. Meron syang amnesia, kaya ang payo ko sa'yo ay wag mo syang biglain. Ang dapag mong gawin ay dalhin sya sa lugar na magiging pamilyar sa kanya. Baka sakali na kapag gano'n ay manumbalik ang dati nyang alaala na matagal ng nawala sa kanya." Napalunok sya at tumango, para syang hindi makahinga at parang sasabog na rin ang utak nya sa kakaisip kung paano sya maalala ng dalaga. "Sige, maiwan ko na kayo." "Salamat, Doc." Tinapik nito ang balikat nya bago sila iwan sa room kung saan nilagay si Catherine. Inupo nya sa tabi nito si Star kaya agad na yumakap ang anak nya rito. "Tatay, hindi po ako iiwan ni Mama, 'di ba? Love nya ako, 'di ba?" Napangiti sya at hinaplos ang likod nito. Naupo sya sa silya habang hawak ito sa likod upang hindi mahulog. "Oo naman. Natutulog lang saglit si Mama at gigising rin sya." Hiling nya na sana sa paggising nito ay maalala na sya nito. Pero kung hindi pa man ay dadalhin nya ito sa lugar kung saan sila palaging pumupunta. - Matagal din ang naging tulog nito. Gumising ito na hindi umimik, kaya kinabahan sya. "Dalhin mo ako sa lugar na sinasabi mo." sabi nito. Napangiti sya at tumango. Hindi nya napigilan ang saya kaya hinalikan nya ito sa labi na kinagulat nito. Tinignan nya ito at nakita nya ang pagpula ng pisngi nito kaya lalo syang napangiti. "Whaaaa! Bakit nyo po kinakain ang lips ni Mama?" tili na tanong ni Star habang nakatakip ang mga kamay sa mata nito habang nakaupo parin sa tabi ni Catherine. Natawa sya sa napakacute nitong reaksyon. Binuhat nya ito at tinaas sa ere kaya lalo itong napatili sa matinis nitong boses na kinahalakhak nya. "It's a sign of love, Star." aniya at hinalikan rin ito sa labi bago pinatayo sa higaan ni Catherine. "Love nyo rin po ako? Kiniss nyo po ako sa lips gaya ni Mama." Ngumiti sya rito at niyakap ito, "Ofcourse, I love you, anak." aniya at tumingin kay Catherine na nakatingin sa kanila, "And I love you, too, Candy." Kahit na hindi pa sya nito nakikilala ay ayos lang sa kanya. Atleast, masaya sya dahil makakasama nya sa pag-uwi ang dalawang babae na mahalaga sa buhay nya. "Veronica.." Umuwi na sila sa bahay ng mga ito upang kuhanin ang ilang gamit. Ngunit hindi nila inaasahan na naghihintay sa harap ng bahay nito ang isang asungot. Lumapit ito kay Catherine at hinawakan sa braso upang ilayo sa kanya. Binaba nya si Star at agad na hinawakan ang kamay ng lalake na nakahawak sa braso ni Catherine. "Don't touch her." banta nya at hinawi ang kamay nito. "Eh, siraulo ka pala! Sino ka para sabihin ako n'yan? Ikaw ang lumayo sa kanila!" gigil nitong sabi at pinaulan sya ng sapak kaya napaatras sya at napahawak sa gilid ng labi nya. "Wag mong saktan ang tatay ko! Bad ka! Bad!" Napatingin sya kay Star na hinahampas sa binti ang lalake. "A-Ano? Anong tatay?" Lumapit sya rito at sinapak ito kaya napatumba ito na agad namang dinaluyan ng lalakeng kasama pa nito. "I'm her father. Si Catherine ang nobya ko na tinago mo para hindi ko makita, Asshole!" Kita nya ang pagdaan ng pangamba sa mukha nito at agad itong tumayo mula sa pagkakasalampak sa lupa. "Veronica, wag kang maniwala sa kanya. Hindi sya ang ama ni Star, at wala kang kaugnayan sa kanya. Niloloko ka lang ng lalakeng ito!" Ambang hahawak nito si Catherine ay humarang sya at tinulak ito. "I'm Samuel Ford. Kung ayaw mong maniwala na hindi malaki ang kaugnayan nya sa akin, search mo ang mga ford. Makikita mo na kung gaano kalaki ang parte ni Catherine sa mga Ford." Natigilan ito sa sinabi nya kaya napangisi sya. Sa reaksyon nito ay tila meron itong alam sa pamilya nya. "I bet you know me.. Mr. Marco Estrella."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD