Kabanata 17 - Finally

3478 Words
By the decision of court; Nesya is guilty. Pang habang buhay na pagkakakulong ang pinataw rito dahil sa nagawang pagkakasala sa pagkamatay ni Manilyn at Catherine. Nakuha man ang hustisya sa pagkamatay ng dalawa, ngunit tanging kalungkutan at pagluluksa parin ang namamayani sa pamilyang ford. Lalo na at mas masakit sa parte ni Samuel na hanggang ngayon ay wala paring katahimikan ang isip nya sa pag-iisip kung buhay pa nga ba si Catherine o talagang nakain na ito ng anu mang uri ng lamang dagat. Ang christmas, graduation, maging ang birthday ni Catherine ay lumipas na. Sa panahong iyon ay mas lalo lamang nasasaktan si Samuel dahil hindi nya kasama ang dalaga sa mga araw na iyon. At tiyak na kung nabubuhay lamang ito at baby sa sinapupunan nito ay tiyak na naipanganak na nito iyon. Masakit na hindi man lang nya naalagaan, nalaman ang gender, at nakita ang pagsilang ng kanilang anak. Binato nya ang bato sa dagat habang puno ng galit rito dahil kinuha nito ang babaeng pinakamamahal nya. Hindi man nya nais na makita ang dagat, pero hindi nya kayang iwanan ang lugar na ito na maraming alaala nila ng dalaga. "Please, ibalik mo si Catherine sa akin! Nagmamakaawa ako!" Patuloy sa pagtulo ang kanyang luha at napasabunot sya sa buhok habang nakaupo sa buhangin. Nahiga sya at tumingin sa kalangitan na unti-unting nagkukulay kahel sa kahapunan. "Mama.." May yakap-yakap na isang papel ang batang babae na nasa edad tatlong taon. Isang ngiti sa labi nito ang nakapaskil sa tuwa dahil sa hatid ng papel na iyon. Nakapusod sa dalawang hati ang buhok nitong mahaba habang suot ang bestidang gawa ng tinatawag nitong 'Mama'. "Ano iyan, anak?" tanong ni Veronica na nagtatahi ng nasirang bestida ng kanyang anak na si Star. "Yung pogi pong teacher namin sa arts, drinawing po ako." Binaba ni Veronica ang tinatahing bestida sa lamesa at tumayo sya bago lumapit kay Star na naupo sa isang upuan. "Patingin nga si Mama." Excited na hinarap ni Star ang drawing ng teacher nito na sinasabi nito. Saling pusa lang si Star sa isang volunteer learning center sa lugar nila. Dahil kahit tatlong taon palang ito ay bibo at deretso na itong magsalita. Wala naman syang magawa dahil napakalayas nito at palaging sumasama kay Annie na kaibigan nya na may anak din na babae na apat na taong gulang naman. Namangha sya dahil ang ganda ng pagkakadrawing. Kuhang-kuha ang bawat anggulo ng mukha ni Star. Kinuha nya dito ang papel at napahaplos sya sa drawing dahil pakiramdam nya ay napakalaki ng halaga sa kanya ang bawat guhit ng lapis sa papel. "Napakaganda naman, Anak." binigay nya muli rito ang papel at agad nito iyong niyakap kaya napangiti sya. "Idol na idol ko po sya, Mama. Gusto ko maging magaling din sa guhit." Napatango sya at napangiti na naglakad patungo sa kwarto. Kinuha nya ito ng pamalit na damit dahil napakadungis na naman nito, gaya ng kapag uuwi ito. "Kung gusto mong maging kagaya nya, dapat ay mabait kang bata, masipag, at mahal mo ang ginagawa mo. At dapat na concentrate sa pag-aaral at hindi pasaway." aniya ng maramdaman ang pagsunod nito sa kanya. "Opo, good girl naman po ako, ah." Natawa sya at humarap rito na bitbit ang pamalit nitong damit. "Good girl, pero bakit inaway mo si Ayin?" tanong nya habang nakataas ang kilay nya rito. Ngumuso ito at kumunot ang noo habang nakapamewang tila ba matandang galit. "Sya naman po ang may kasalanan. Tinutukso po nya ako na walang tatay." Natigilan sya sa ambang pag-alis sa suot nitong bestida dahil sa sinabi nito. Nanikip ang dibdib nya dahil sya ang nasasaktan kapag may ibang nagsasabi no'n sa anak nya. "Mama, bakit wala po akong tatay? Sila Dondon at Katkat meron po silang tatay." Napahinga sya ng malalim at ngumiti ng pilit bago ipagpatuloy ang naudlot na pag-alis nya sa bestidang suot nito. "'Di ba, sinabi ko na baka umalis lang ang ama mo. Malay mo, balang-araw makita rin natin sya o 'di kaya ay makasalubong." Nung pinagbubuntis palang nya si Star ay akala nya si Marco ang nakabuntis sa kanya. Pero dahil natuklasan nyang nagsisinungaling lang ito ay doon nya nalaman na napadpad lang sya sa isla camiguin. Dahil doon ay mas nahirapan sya dahil ang alaala nya ay hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik. Meron syang nakikita ngunit napakalabo ng mga mukha. Bumukod na rin sya ng bahay kay Marco bago pa sya manganak kay Star. Ayaw nya na isipin ng iba na ito ang ama ng kanyang anak. Tutol man doon ang binata ay wala itong magawa sa desisyon nya. Nasa isang apartment sya na maliit at style kubo, ngunit ayos na iyon kesa wala silang titirahan ng kanyang anak. Nananahi sya ng mga damit na kinukuha nya pa ang tela kay Goring na syang nakatuklas sa galing nyang manahi at sa galing nyang magdesign ng damit o gown. Kaya naman ay kinuha sya nito upang maging mananahi ng damit at gown na mismong sa bahay nya tinatahi dahil hindi sya pwedeng umalis ng bahay, lalo't walang magbabantay kay Star. "Ang gara naman po.. Bakit hindi nyo po alam kung sino ang tatay ko? At hindi nyo po alam kung nasaan?" napukaw sya ng tanong na iyon ng pilya nyang anak. "Star.." suway nya rito dahil napakapilya talaga nitong magtanong na animo'y matanda. "Sige po, itatanong ko po kay Papa God kung sino po ang tatay ko, at baka po lumitaw nalang bigla ang tatay ko." Napailing nalang sya at nilagyan ng pulbos ang likod nito, leeg, at mukha nito. Napahagikgik ito dahil nakikiliti ito kaya napangiti sya. Masaya sya at meron syang makulit, matalino, maganda, at masayahing anak na parang bituwin sa langit na napakaganda kapag tinitingala mo sa kalangitan. Sa kanya ay isang Star ang anak nya na hiling nya balang-araw ay maging maganda itong bituwin na punong-puno ng kislap, saya, at tagumpay. "Tara na, at pinagluto kita ng favorite mong monggo." Nakita nya na kumislap ang mata nito kaya natawa sya at kinilik ito. Hinalikan nya ito sa labi at mahigpit na niyakap. "Mama, sabi po ni Ate Annie, nanliligaw daw po sa inyo si Tito Marco." Napatingin sya rito na tumamlay ang mukha habang nakatingin sa pagkain nito. "Hindi ah, ang Ate Annie mo talaga." akila nya. Napatingin ito sa kanya at tila ito nakahinga ng maluwag sa klase ng pag aliwalas ng mukha nito. "Talaga po?" tumango sya kaya napangiti ito, "Ayoko po na may iba akong tatay. Gusto ko po yung tatay ko po talaga, ha?" "Oo naman, at wala naman balak na tumanggap si Mama ng manliligaw, dahil ang pinakamagandang Star ko palang ay maligayang-maligaya na si Mama." Napangiti ito at yumakap sa bewang nya habang nakatingala na nakatingin sa kanya. "Promise, Mama.." anito kaya binitawan nya ang kutsara na may lamang pagkain na isusubo nya sana rito. Piningot nya ang ilong nito na kay tangos at napangiti sya. "Promise cross my heart, Baby." kinuha nya muli ang kutsara at inuma sa bibig nito, "Sige na, kumain ka na at nang makatapos na ako sa tinatahi ko. At ikaw, maagang matulog. Maghapon kang nasa layasan." Ngumuso ito pero sinubo naman ang inuma nyang pagkain kaya napapangiti sya. Gagawin nya ang lahat para sa anak nya. Hinihiling nya na sana ay bumalik na ang lahat ng alaala nya. She wants to know who is she, who's the man of her dream, and who's the father of Star. Everyday, nagigising sya na masakit na masakit ang puso nya. Umiiyak sya paggising nya. Para bang may parte ng pagkatao nya ang nawala. Gusto nyang puntahan ang bawat isla kung saan ba sya dagat nalunod kaya sya inagos papunta sa isla camiguin. Pero ano ang magagawa nya, hindi sapat ang pera nya upang umupa ng bangka o sumakay ng barko. Nais nyang humingi ng tulong kay Marco ngunit nahihiya sya at baka hindi din sya nito tulungan dahil alam nyang ayaw nito na umalis sya. "Mama, bukas po, sama po kayo sa school.. Huling araw na po ni Idol rito kaya nais ko po na makilala nyo sya bago pa man sya umalis." Nakaupo sila sa higaan nila habang sinusuklayan nya ang mahaba nitong buhok. Pagkatapos nitong kumain ay pinagsipilyo na nya ito bago nya dalhin sa higaan. "Sige, titignan ko kung maaga kong matatapos ang tahi ni Mama, pero kapag marami ay baka hindi ko na makita ang teacher mo.." Humarap ito sa kanya kaya natigil sya sa pagsuklay nito at nakita nyang malungkot ito. "Mama, sad ako." ani nito. Hinawakan nya ito sa baba at pinisil. "Bakit naman sad ang baby ko?" nakanguso nyang tanong. "Dahil aalis na sya. Kaya lang naman po ako sumasama sa schooling nila KatKat, kasi gusto ko pong teacher si Idol. Pero aalis na po sya, kaya sad po ako kasi wala na pong magpapakita sa akin ng magandang drawing." Ramdam nya ang lungkot nito kaya niyakap nya ito at hinaplos ang buhok.. Tila kailangan nga nyang i-rush ang tahi para makaabot sila. Curious rin sya sa 'Idol' na tinatawag nito, at ngayong nalaman nyang kaya lang ito sumasama kela KatKat sa school ay dahil sa teacher nito ay mas lalo syang nagkaroon ng kuryosidad sa teacher na iyon. Pinagmasdan nya si Star habang tinatapik-tapik nya ang binti nito habang pinapatulog. Hindi nya mapigilan na mapaiyak habang naalala ang lahat ng tanong nito na hindi nya masagot sagot. Hindi nya alam kung ano ba ang nangyari sa kanya kaya wala syang maalala. Kapag iniisip nya na masakit ang nangyari sa nakaraan nya ay parang natatakot tuloy sya at nagdadalawang-isip kung dapat pa nga bang bumalik ang alaala nya? Napabuntong-hininga sya at kinumutan ito bago sya bumaba ng higaan. Pinagpatuloy nalang nya ang naiwang tahi kahit pa magdamag syang maglamay upang matapos lang agad ang tahi nya. "Mama, gising na po.." Naalimpungatan sya ng marinig nya ang boses ni Star. Napahawak sya sa ulo dahil sumakit iyon dahil sa pagsakit ng mata nya. "Mama, tara na po.." excited nitong aya. "Star, maaga pa at kailangan ko pa itong tapusin." aniya dahil nakatulugan nyang tapusin ang damit na ginagawa nya. Pagtingin nya kay Star ay nakita nyang nakabihis na ito ngunit ang nagpangiti sa kanya ay ang gulo-gulo nitong pagkakapusod sa buhok nito, tadtad ng pulbos ang mukha nito, at may nakapahid pang lagpas-lagpas na lipstick sa labi nito kaya tila nagising ang diwa nya at ibig nyang mapahalakhak. "Anak, sino naman nag-ayos ng mukha mo at buhok?" tanong nya. "Ako po, para kayo nalang po ang magbibihis. Sige na, Mama, tara na po. Paalis na po si Idol ngayon." Napangiti sya na napailing. Napatingin sya sa wall clock nila at nakita nyang maaga pa talaga. "Anak, maaga pa tsaka tatapusin muna ni Mama ito bago tayo tumuloy doon. Tsaka tiyak naman na hindi pa iyon aalis dahil masyado pang maaga." Napanguso ito hudyat na nalulungkot ito. Napahinga sya ng malalim at tumayo sya. "Tara nga rito, ayusin muna natin ang itsura mo, baka matakot pa sa'yo ang Idol mo." Naupo sya sa higaan nila kung saan nya nakita ang pinaggamitan nitong pulbos at suklay. "Aalis na po tayo?" tanong nito habang iniipitan nya para iayos ang gulo nitong pagkakapusod sa buhok. "Hindi pa, kailangan mo munang kumain ng agahan dahil masamang magpalipas ng gutom ko, at hindi pa nga nakakapag-ayos si Mama." "Okay po, basta po sasama po kayo at pupuntahan natin si Idol." Napangiti nalang sya at hinarap naman nya ito sa kanya. Pinahiran nya ng panyo ang sobrang pulbos sa mukha nito, at maging ang lagpas na lipstick. Tiyak na kay Annie nito nakita kung para saan ginagamit ang lipstick. "Baby, wag kang magpapahid ng ganito sa mukha mo, ha? Para sa matatanda lang ito." payo nya. "Okay po." tugon nito at ngumuso kaya napangiti sya at kiniss nya ang labi nito. "Ang sweet talaga ng baby ko." aniya kaya napahagikgik ito ng kilitiin nya ito sa bewang. "Love ko po kasi kayo Mama." sabi nito na hiningal pa ng tigilan nya itong kilitiin. "And I love you too also, baby." Tumayo sya at inakay nya ito sa kusina. Nagluto lang sya ng piritong itlog at hotdog, at pinagtimpla nya rin ito ng gatas. Napahawak sya sa ulo nya ng may biglang nag-flashback sa isip nya. Nakita nya ang sarili na nagtitimpla ng gatas. Napasinghap sya at napadilat.. Anong ibig sabihin no'n? "Mama, ayos lang po kayo?" Inalis nya ang kamay sa ulo at napatingin kay Star na nakaupo sa chair nito. Ngumiti sya at tumango rito. "Oo naman, baby.. Ah, heto na rin ang milk mo." Lumapit sya sa lamesa at nilapag sa harap nito ang gatas. Naupo sya sa isang upuan sa tabi nito at inasikaso nya ang pagkain nito. "Subo.." ani nito kaya tinignan nya ito at pinagningkitin ng mata. "Okay, ngayon lang 'to, ha? Pero dapat marunong ka nang kumain gamit ang sarili mong kamay, okay?" Ngumiti ito at tumango kaya napailing sya at napangiti. Sinubuan nya ito ngunit nasa isip pa rin nya ang nakitang alaala nya. Pakiramdam nya ay nasa maayos syang buhay. Saang bahay kaya iyon? Baka naman ay dati syang kasambahay? Iniwaglit na nga lang muna nya iyon sa isip at kumain na rin sya habang sinusubuan nya ito. - "Dali, Mama!" Excited na hatak-hatak sya ni Star habang naglalakad na sila patungo sa learning center. "Oo, dahan-dahan lang, baby. Baka madapa pa tayong mag-ina." aniya dahil sobrang sabik na sabik ito sa paghila sa kanya. Pagdating sa learning center ay nakita nila na nandoon ang mga voluteer teacher, at mga taga-isla na tinuturuan. "Nasaan ba d'yan ang Idol mo?" tanong nya. Nakita nyang busy si Star sa paglilibot ng mata. Inakay sya nito palapit sa isang babae. "Mam Jen!" Napalingon ang babae sa kanila mula sa paglapag ng papel sa lamesa. "Oh, Star." napatingin ito sa kanya kaya nginitian nya ito, "Kayo po ba ang Mama ni Star?" "Ah, oo.. Nagpunta kami rito dahil gusto daw nyang makita ang Idol nya bago ito umalis." "Oh! Naku, hindi na nagpunta si Sir Ford rito. Baka nandoon na sa pier iyon paalis ng isla." Dahil sa sinabi nito kaya napatingin sya kay Star na napayuko. "Ah, sige, hahabulin namin baka maabutan pa namin." Ngumiti ito at tumango kaya binuhat na nya si Star. Yumakap ito sa leeg nya at sumubsob balikat nya. "Don't worry, baby, pupunta tayo doon. Malay mo maabutan pa natin sya." Tumunghay ito kaya napatingin sya rito habang naglalakad na sila palayo sa learning center. "Baka po hindi na natin sya maabutan." malungkot nitong sabi kaya napahinga sya ng malalim at binilisan ang hakbang nya. Kahit na hingal na hingal na sya sa paglalakad upang marating lamang ang pier sa isla ay kinaya nya. Agad na binaba nya si Star ng makarating sila. Tumingin sila sa mga taong pasakay ng barko. "Mama, baka nakasakay na po sya." naiiyak na sabi ni Star. "Hindi, baka naman ay pasakay palang iyon.." aniya upang bigyan ng lakas ng loob ang anak nya. Hindi naman nya alam ang itsura ng sinasabi nitong Idol ay sinikap nyang hanapin. Sa kabilang banda, kaharap ni Samuel ang isang kakilala na gumabay sa kanya sa isla. Sukbit nya ang bag pack sa magkabilang balikat na naglalaman ng ilang damit nya habang bitbit ang isang black bag na naglalaman ng drawing nya at drawing ng mga bata. Huminto sila sa isang malaking speed boat na dala nya kasama ang dalawang tauhan nila upang magpaandar no'n. "Ren, kapag nakita mo yung batang si Star, pakibigay sa kanya ito." aniya at inabot ang isang plastic paper bag na may lamang sketch pad, lapis, at ilang drawing material. Kahit ilang araw lang ang nilagi nya rito ay napukaw na ng batang iyon ang atensyon nya. Napakabibo at madaldal na nakakatuwa. Natatawa sya kapag naalala nya ng tanungin nya ito kung bakit nakisali ito sa mga four years old na tuturuan nya. Kasi tatlong taon palang ito pero gusto ng mag-aral. "Kasi po saling ketket po ako." Napailing sya dahil hindi nya talaga makakalimutan ito, at nakikitaan nya rin ito ng malaking potential sa pagdodrawing. "Tara na, baby, baka nakaalis na sya." Napalingon sya sa nagsalitang iyon. Pamilyar ang boses at bumilis ang t***k ng puso nya. "Bakit, Samuel?" tanong ni Ren. Lumakad sya habang tumitingin sa paligid. Hindi nya alam kung tama ba ang narinig nya? Ayaw nyang maniwala sa naririnig nya dahil minsan ay umaasa lang sya na naririnig nya ang boses ni Catherine pero palagi naman syang bigo at lalo lang syang nasasaktan. Umiling sya at humakbang para bumalik sa kausap na si Ren. "Tahan na, baby. Malay mo bumalik ulit iyon." Napalingon ulit sya dahil narinig nya muli. Para syang nasisiraan ng ulo kaya napahagod sya sa buhok. Saan ba nya naririnig iyon? Napatingin sya sa isang babae at bata na palayo na sa pier. Napalunok sya at lumakas ang t***k ng puso nya. Nang lumingon ang batang umiiyak ay nakilala nyang si Star iyon. Agad nyang hiningi kay Ren ang plastic paper bag. "Samuel, saan ka pupunta?" tanong nila Felix na nakasakay sa speed boat. Hindi na nya sinagot ito at tinakbo nya sila Star na palayo na. Hindi nya alam pero ang lakas ng t***k ng puso nya. Tatawagin nya sana ang bata pero napatigil sya ng may sumalubong na dalawang lalake sa mga ito. "Bakit kayo narito, Veronica?" tanong ng lalake habang nakatingin sa babaeng kasama ni Star. "May hinabol lang kami ni Star. Kayo, anong ginagawa nyo rito?" Nakatalikod na sya pero hindi talaga sya pwedeng magkamali. Ang boses, likod, ang kutis at buhok ng babae ay pamilyar sa kanya, at kahit pumikit sya ay kabisado nya ang may nagmamay-ari ng ganung katangian. Humarap syang muli at nakita nyang inaya na ng dalawang lalake ang bata at ang babae. Napakuyom sya ng kamay. "Dapat ay hindi kayo nagpupunta doon mag-ina. Mamaya ay may masasamang tao doon, paano kung napahamak kayo?" Umiling si Veronica kay Marco at huminto ng makarating sa kanto kung saan ang bahay nila ni Star. "Sige na, Marco, salamat sa concern. Kailangan ko ng umuwi at may tatapusin pa akong tahi." Napabuntong-hininga ito at tumitig sa kanya. "Palagi mo nalang akong tinataboy? Hindi mo parin ba ako pinapatawad?" Napahinga sya ng malalim at kinilik si Star, "Napatawad na kita at nauunawaan ko kung bakit ka nagsinungaling, pero pasensya ka na Marco kung ayoko na tugunan ang nararamdaman mo. Gusto kong sa anak ko muna ang pokus ko." Ngumiti sya rito ng tipid at tinanguan nya lang si Yvo bago sya tumalikod. Pero napatigil sya ng may humawak sa braso nya. Napalingon sya ng iharap sya ni Marco habang kilik nya si Star. "Hindi ako susuko, Veronica. I love you, please give me a chance." Umiling sya at inagaw ang braso nya mula sa pagkakahawak rito. "I'm sorry, Marco.. Sige, mauna na kami." aniya at tuluyan ng tinalikuran ang mga ito. Alam nyang malaki rin ang naitulong nito sa kanya, pero hindi naman matuturuan ang puso nya. Wala syang special na pagtingin rito bukod lamang sa pagiging mabuting kakilala. Ayaw nyang paasahin ito kaya kahit ayaw nyang deretsuhin ito ay kailangan nyang gawin. "I don't like him for you, Mama." sabi ni Star ng makarating sila sa kanilang bahay. Napangiti sya at pinisil nya ang pisngi nitong namumula. Basta kapag naarawan ay namumula ang balat nitong maputi. Sensitive ang skin nito sa araw kaya madaling mamula. "Bakit naman? Mabait naman si Tito Marco mo?" May konting bakas pa ng luha rito. Hindi nya alam kung dapat bang pasasalamatan nya si Marco? Dahil sa pagsulpot nito ay tumigil sa pag-iyak si Star. "Ayoko po. Takot ako sa kanya at palagi nya po akong pinipilit na maging tatay ko sya." Napahinga sya ng malalim at hinaplos ang buhok nito. Natigil lang sya ng may kumatok sa pintuan nila. "Maupo ka muna d'yan, Star. Titignan ko lang kung sino ang tao." "Okay po.." napangiti sya at lumakad patungo sa pintuan. Pinihit nya ang seradura at sa pagbukas nya ay napakuno't noo sya. Lumabas pa sya pero wala namang tao. Napailing sya dahil tila merong nangtitrip na dumaan. Bumalik sya at sinarado muli ang pinto baka mamaya ay masamang tao iyon. Sa tagong puno ay nandoon ang isang binata na napahagulgol sa iyak habang kitang-kita ng dalawang mata nya at talagang hindi sya nagkakamali, dahil tama ang nakikita nyang buhay pa si Catherine. Ewan nya kung bakit parang kinakabahan sya na magpakita rito, pero baka kapag kaharap na nya ito ay bigla nalang syang mapaluhod sa sobrang panginginig ng tuhod nya. Para syang aatakihin sa sobrang saya. Hindi nya alam kung bakit Veronica ang tinatawag ng mga tao rito sa dalaga pero ngayong nakita nyang buhay ito at anak nila ay hindi sya aalis ng isla ng hindi nya kasama ang mga ito. Kukuha lang sya ng lakas ng loob bago sya humarap sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD