Dilat na dilat ang mata ni Catherine mula ng magising sa panibagong bangungot nya. Napatingin sya sa binata na natutulog sa kanyang tabi. Inalis nya ang kamay nito sa tiyan nya at bumangon sya na parang lumulutang ang pakiramdam nya.
Tulala sya na napatingin sa Daddy nya na nakaupo habang nakahalukipkip na nakapikit ang mga mata. Tanging ito lang ang nakabantay sa labi ng kanyang ina.
"Anak.."
Napatingin sya sa gate ng marinig ang boses ng Mommy nya. Nakita nya ito na nakangiti sa kanya..
"M-Mommy..." aniya at humakbang sya ng tumalikod ito, "Mommy.." sumunod sya rito. Ayaw nyang umalis ang Mommy nya. Gusto nyang sumama rito.
Naramdaman nya ang buhangin sa kanyang mga paa, at maging ang tubig na unti-unting umaakyat sa kanyang katawan. Biglang nawala ang kanyang mommy kaya nataranta sya at humakbang pa sa tubig.
Isang ngisi naman ang nakaukit sa labi ni Nesya ng makita na unti-unting nilamon ng tubig si Catherine. Hindi nya akalain na madali lang pala na alisin sa landas nya ito. Bumalik sya sa bahay na walang pagtulong na ginawa sa nalulunod na dalaga.
Pagbalik nya ay nakita nya si Samuel na humahangos kaya agad syang naupo sa isang silya at pinikit ang mata.
"Catherine!"
Dumilat sya at nakita nya na hindi na mapakali ito. Napatingin sya kay Daddy Xander nya na nagising sa pagkaidlip.
"Samuel, bakit mo hinahanap si Catherine?" tumayo ito at lumapit sa binata.
"Tito, wala sya paggising ko. Wala din sya sa loob, hindi nyo po ba sya nakita?"
"Hindi, nakaidlip ako kaya hindi ko sya napansin.."
Napatingin ang mga ito sa kanya kaya tumayo sya mula sa pagkakaupo.
"Hindi ko rin sya napansin dahil natutulog ako sa silya. Baka naman ay nasa room lang sya ni Mommy?"
Inosente nyang sabi at lihim na humalakhak dahil sa nakikita nyang pag-aalala sa mukha ng mga ito. Nagkakagulo ang mga ito, at hindi alam kung saan hahanapin ang dalaga.
Lumapit sya sa kabaong ni Manilyn at tinignan nya ito habang lihim na napapangiti ng maluwag.
'Magsasama na kayo ng anak mo sa lupa. Alam mo, nakabuti din pala na ikaw ang nalason. Atleast ngayon, patay ka na, patay na rin tiyak ang anak mo, kaya solo ko na asawa mo at kayamanan mo. Hindi na ako nahirapan na patayin si Catherine, dahil ang pagkabaliw lang pala nito ang magdadala sa kanya sa kamatayan.'
Humalakhak sya sa isip at tumingin sa parating na mga Ford kaya umalis sya sa harap ng kabaong.
"Kuya, anong nangyayari rito?" tanong ni Beatrice ng maabutan na hindi mapakali si Xander at ang anak nyang si Samuel.
"Nawawala si Catherine.. Dimitri, pwede mo ba akong tulungan?"
"Sure. Ipapahanap ko sa mga tauhan ko na nakakalat sa isla."
Nilabas ni Dimitri ang phone upang tawagan sila Oscar, ngunit napatingin sya sa dalagang si Nesya. Umiwas ito ng tingin kaya tinapat nya sa tenga ang phone habang sinusundan nya ang galaw ng dalaga.
There's something weird that he felt when he read the moves of that girl. Parang may kahina-hinala at kabisado nya ang galaw ng mga ganung tao kapag nasasangkot sa isang pangyayari.
"Xander, buhay ba ang cctv rito sa labas ng bahay nyo?" tanong nya at binulsa na ang phone ng matawagan ang mga tauhan nya. Kinapukaw ng tingin ng dalaga ang tanong nya kaya napangisi sya ng makita ang pagdaan ng takot sa mata nito.
"Oo, teka, kukunin ko ang laptop ko." tugon ni Xander.
"Dad, baka nasa tree house si Catherine, pupuntahan ko doon." sabi naman ni Samuel.
Pinigilan nya ang anak sa pag-alis, tinignan nya ito bago tumingin sa dalagang si Nesya na hindi na mapakali.
"Titignan muna natin ang cctv bago ka lumakad. Tiyak akong nakuha kung saan nagtungo si Catherine at kung sino ang kasama nito."
Tumango si Samuel at naupo sa silya bago napahilamos ng mukha sa sobrang pag-alala sa dalaga. Nanginginig sya sa takot na baka napahamak na ito at ang pinagbubuntis nito. Hindi nya makakaya oras na napahamak ito.
"H-Hahanapin ko lang po si Catherine.." paalam ni Nesya na hindi makatingin kay Dimitri.
"No, you stay here, hija. Mahirap maghanap kapag alam mong hindi mo talaga mahahanap ang taong alam mo kung nasaan."
Napaangat ng tingin si Samuel sa sinabi ni Dimitri. Naguguluhan syang napatingin rito at nakita nyang nakatingin ito kay Nesya.
"Heto na, Dimitri."
Napatingin ang lahat kay Xander na dala-dala ang laptop at maging ang flash drive kung saan nakarecord ang lahat ng pangyayari sa loob at labas ng bahay.
Binuksan ni Dimitri ang files, at pinanood nila ang mga nakarecord. Pinindot nya ang record ng mga oras kung kelan ang oras na nawawala ang dalaga.
Napatitig si Samuel sa video ng makita ang paglabas ni Catherine sa pinto. Napatingin ito kay Xander bago naglakad palayo sa bahay. Napakuyom sya ng kamay ng makita ang pagsunod doon na si Nesya. Kaya tumingin sya kay Nesya na nanginginig na nakatayo habang nasa tabi..
"Sabi mo hindi mo nakita si Catherine?! Sinungaling ka!" bulyaw nya at napatayo sya na nilapitan ito. Napaatras ito at nais na tumakbo ngunit agad nyang hinablot ang buhok nito kaya napangiwi ito at napahinto.
"Anak, tignan mo ito dali!" natarantang sabi ng kanyang ina kaya binitawan nya si Nesya at agad na lumapit muli sa pinanood na kuha ng cctv.
Parang gumuho ang lahat sa kanya at napaiyak sya ng makita ang pagsuong ni Catherine sa dagat. Hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa at agad syang tumakbo kung saan ito makikita.
Umaagos ang luha nya sa buong mukha habang palakas ng palakas ang kabog ng dibdib nya sa takot.
"Catherine!!!!" hiyaw nya at sinuong ang dagat. Sumisidsid sya at umaasa na makita ang dalaga sa ilalim ng dagat kahit malabong makita nya ang bawat parte ng dagat dahil sa kadiliman.
Umahon sya sa kakapusan ng hininga at nilibot ang tingin sa kadesperado nyang makita ang dalaga. Napasuntok sya sa tubig at muling sumisid.
Wala! Wala syang makitang katawan ng dalaga!
"Anak!!!"
Agad na sumisid si Dimitri upang puntahan ang anak. Habang si Beatrice ay naluluha habang hindi na rin alam ang nararamdaman.
"Mommy? Anong nangyari?" tanong ni Duke.
Sumunod ang magkakapatid na ford na nahuli lang ng dating at naguguluhan sa nangyayari. Dahil imbes na may magbantay sa burol ay wala silang naabutang tao. At nalaman nila na narito ang mommy nila at kita nila ang pagpilit ng dad nila kay Samuel na iahon ito mula sa dagat. Kita nilang nagwawala ito at ayaw umalis ng dagat.
"Nawawala si Catherine sa dagat. Kasalanan ng babaeng ampon nila Kuya Xander kaya nangyari ito."
"That b***h!" galit na wika ni Bettina at tumakbo pabalik sa bahay ng Tito Xander nya upang balikan si Nesya na hawak ng tauhan ng daddy nya.
"Let me go!!! I need to find her!"
Nagwawala si Samuel at nagpupumilit pa sana ito na lumusong muli sa dagat ngunit pinigil na rin sya ng mga kapatid nya.
"Hindi mo makikita si Catherine kung mag-isa mong lulusungin lalo't walang liwanag."
Tumayo si Dimitri at lumapit kay Beatrice, "My phone?"
Agad naman binigay nito kaya dali-dali nyang kinontact ang ilang tauhan sa pier.
"I need the rescue team asap. Here in bf shore." aniya sa kausap sa kabilang linya at binabaan na agad ito.
"Damn. What happen to my family?"
Napaupo sa buhangin si Xander at sa lahat ng taong nasa paligid ay sya ang mas naapektuhan. Parang hindi na nya kinakaya ang lahat at parang nais na rin nyang sumuko.
"Kuya, kasalanan ng ampon mo lahat. Baka nga sya pa ang dahilan kaya namatay si Manilyn. Mali ang desisyon nyo na inampon ito lalo't anak sya ng janitor na syang nagpahamak rin sa mga bata sa birthday party ni Samuel."
"I-I know. This is all my fault." umiiyak na sambit ni Xander at napasabunot sa buhok.
Ngayon ay nagkaroon na naman ng ganitong kalaking problema sa pamilya ang mga ford. Tila naulit sa sitwasyon ni Catherine ang nangyari kay Duke. Hindi matinag si Samuel at naniniwala sya na buhay si Catherine at mahahanap nya ito, o kung hindi man ay lilitaw muli ito gaya ng Kuya Duke nya.
Ngunit mula sa paghahanap sa karagatan ay nakakita sila ng lumulutang na dress na syang nagpakaba at nagpatakot sa puso nya. Agad na kinuha iyon ng kasama nyang rescue team at agad nyang kinuha rito iyon.
Nanginginig sya habang napaluha dahil nakumpirma nyang sa dalaga ang dress. Ito ang huli nitong suot na naalala nya. Sira-sira ang dress at hindi nya maisip ang dahilan kung bakit nahubad ito sa katawan ng dalaga.
"No! This is not true!!" hiyaw nya at niyakap ang dress habang umiiyak at napaupo sa sahig ng speed boat.
"Sir, kung sira ang damit na suot nya, ibig sabihin ay maaaring kinain sya ng pating sa dagat."
Napakuyom sya ng kamay habang yakap-yakap ang dress at umiiyak na hindi matanggap ang nangyari. Gusto na nyang mamatay dahil hindi nya kailanman matatanggap ito.
Walang nakuhang sagot ang rescue team sa binata. At masyado na ring malalim ang gabi kung magpapatuloy pa sila, kaya napagdesisyonan nilang bumalik na.
"Anong nangyari?" kaagad na tanong ni Dimitri ng makarating sila sa pangpang.
"Sir, may natagpuan kaming sira-sirang damit ng babae, at nakumpirma ni Sir na kay Mam Catherine iyon. Tila nasa pinakailalim na ng dagat si Mam at kinain ng pating kaya nawala sa kanya ang suot-suot nyang damit."
Napatingin sila Beatrice kay Samuel na hindi bumaba ng speed boat. Agad nilang pinuntahan ito at nakita nilang yakap-yakap nito ang damit ni Catherine habang tahimik na umiiyak.
Napatakip ng bibig si Beatrice at napaiyak sa nangyari. Naaawa sya ngayon sa anak, dahil alam nya at ramdam na ramdam nya ang paghihinagpi ng damdamin nito sa nawalang dalaga.
-
Sa kabilang dako--sa malayong isla. Sikat na ang araw ng maisipan ng isang binata na magsurfing sa karagatan. Inaayos palang nya ang gamit ngunit napahinto sya ng makita ang isang katawan na nakadapa sa pangpang..
Agad nyang nabitawan ang surf board at nilapitan ang hubad na katawan ng isang babae. Tinihaya nya ito at kita nya ang mukha ng walang malay na isang magandang babae. May sugat ito sa katawan dulot siguro ng nangyari rito sa tubig. Agad nyang pinangko ito at dinala sa buhangin. Sinubukan nyang damhin ang t***k ng puso nito at napansin nyang papahina na kaya ginawa nya ang lahat upang magising iyon.
"Marco, who's that?" tanong ng kaibigan na si Yvo.
"I don't know. Nakita ko lang sya sa pangpang at tila galing sya sa ibang isla na napadpad lang rito." aniya habang titig na titig sya dalagang napakaganda ng mukha. Napalunok pa sya dahil sa hubad na katawan nito na natatakpan lamang ng suot nitong panloob.
Agad nyang hinawi si Yvo, dahil grabe ito kung makatitig sa dalaga.
"Hey, alam ko na ang kinikilos mo, Marco." nakangising puna ni Yvo sa kaibigang may namumuo agad na paghanga sa natagpuang dalaga.
Hindi pinansin ni Marco si Yvo at binuhat muli ang dalaga upang dalhin sa rest house. Agad na sumalubong ang mga katiwala ng resort sa kanya.
"Hijo, sino iyang binibini? Bakit puro sugat ang katawan nya?" tanong ng matagal ng nangangalaga ng rest house ng mga Estrella na si Aling Sally.
"Hindi ko rin ho alam, Manang. Pero ayoko na kumalat ang balitang ito sa iba. Sabihan nyo rin ang iba na wag ipagkakalat ang nakita nila. Baka mamaya ay may tumutugis rito at baka mapahamak pa sya kung sakali."
Napatango naman si Aling Sally dahil nauunawaan nya ang pakay ng Sir nya kung bakit ayaw nito na ipaalam sa iba ang nakita nilang dalaga.
Inasikaso ni Sally ang dalaga. Sinuotan ito ng damit na hindi nya ginagamit at pinunasan nya rin ang noo nito at katawan dahil mainit ito dulot ng sugat nito sa katawan.
"Sir, tila kailangan natin syang ipatingin sa doctor. Mainit ang katawan nya dulot ng sugat nya."
Agad namang napatango si Marco at lumabas upang tumawag ng doctor sa bayan. Naupo sya kung nasaan ang kaibigang si Yvo na may kandong na babae na nobya nito.
"Ano pre, ayos na ba yung babae?"
Umiling sya at hindi na sinagot ang kaibigan dahil nasa kabilang linya na ang doctor.
"Pumunta kayo rito sa rest house. Kailangan ko ng tulong mo ngayon din." aniya sa kausap.
"Okay, Marco." tugon naman nito kaya binaba na nya ang tawag.
"Sino kaya ang babaeng iyon? At bakit tinangay sya ng dagat rito?" tanong ng kaibigan.
"Wag mong sabihin na nagkakainterest ka sa kanya, Yvo?" galit na tanong ni Alicia na nobya nito at umalis sa kandungan ni Yvo.
Natawa si Yvo at tumayo upang utuin si Alicia, "Ofcourse not, you are still my number one interest." pambobola nito na agad namang kinabigay ng babae.
Napailing si Marco at muling tumayo upang puntahan muli ang dalagang hindi pa nya alam ang pangalan. Ang planong pagsusurfing ay nawala sa isip dahil tila nawalan sya ng gana at nais na lamang nya na ituon ang atensyon sa hindi kilalang dalaga na nakakuha ng atensyon nya.
"Ako na ang bahala sa kanya, Manang. Sige na, ipagpatuloy nyo na ang naiwan nyong gawain." aniya at pumalit sa pwesto ni Sally.
"Sige po, Sir. Kapag kailangan nyo na tulong ko sa dalaga ay tawagin nyo lang po ako."
Tumango lang sya at pinunasan ang noo ng dalaga. Pinakatitigan nya ang mukha nito at napangiti sya dahil napakaganda talaga nito. Minsan lang may makapukaw ng interest nya at itong dalaga ay agad iyong nakuha.
Isang oras din bago nakarating ng doctor na pinatawag nya. Sinuri nito ang dalaga at ginamot ang mga sugat.
"Marco, tila may dinadala itong babae sa tiyan nya. Mabuti at walang nangyari sa dalaga. Ano bang nangyari rito at puro galos at nilalagnat?"
"Wala ka na roon, pero anong sabi mo? May dinadala sya? Ibig sabihin ay buntis sya?"
Tumango ang doctor at tinapos ang pagsusuri, "Oo, tingin ko ay ilang weeks na rin ang dinadala nya. Ipasuri mo sya upang makita kung maayos ang dinadala nya. Hindi ko sya pwedeng painumin ng gamot o saksakan ng kung ano dahil baka maapektuhan ang bata."
Napalunok si Marco at napaisip, tumingin sya sa doctor at lumapit rito.
"Salamat sa pagtingin sa kanya. Mabuti nalang at walang nangyari sa baby." aniya at tumingin sa dalaga.
"Ikaw ba ang ama ng dinadala nya?"
Tumango sya kahit na isang kagaguhan ang umako ng hindi kanya. Wala sa bokubolaryo nya na magkaroon ng responsibilidad, pero hindi nya maunawaan ang sarili kung bakit nya inako na parang kanya ang dinadala ng dalaga.
Umalis na ang doctor ngunit nanatili sya sa kwarto nya habang nakaupo sa isang malambot na upuan habang nakaharap sa natutulog na dalaga na hanggang ngayon ay walang malay.
Sa kabila ng lahat ng nangyari ay unti-unting nagkaroon ng lakas ang katawan ni Catherine. Paunti-unti na bumukas ang mata nya. Nung una ay malabo, ngunit kalaunan ay maliwanag na.
Napalibot sya ng tingin dahil hindi nya alam kung nasaan sya, at lalong hindi nya alam kung anong nangyayari sa paligid nya. Hindi nya alam kung ano nga ba sya?
Nakatingin sya sa kisame ng pinaglalagyan nya ngayon. Iniisip nya ang nais nyang isipin ngunit blanko sa kanya lahat. Napatingin sya sa biglang humawak sa braso nya.
"Are you okay? Wala bang masakit sa'yo."
Inaalala nya kung sino ito? Pero wala, hindi nya kilala. Hindi sya nagsalita ngunit nakatingin lang sya rito. Hindi nya alam bakit ito ang kasama nya?
"I guess you're okay." napahinga ito ng malalim, "Hmm, kilala mo ba kung sino ka?" tanong nito kaya umiling sya ng marahan.
Kita nya sa mata nito ang saya, pagkaraan ay naupo ito sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.
"Ako si Marco Estrella, at ikaw naman si Veronica Dela Cruz."
Ewan nya kung dapat ba syang maniwala sa sinabi nitong pangalan nya, hindi nya kasi maramdaman ang konekta nito sa kanya. Pero kita naman nya na tila mabait ito at tila ito ang nag-alaga sa kanya.
Napatingin sya sa mga sugat nya, may mga gasa iyon at takip ng bulak at band aid.
"Ah, naaksidente ka kasi habang nakasakay sa sasakyan. Magkikita sana tayo pero hindi ka dumating, 'yun pala ay naaksidente ka na."
Napatingin sya rito dahil sa sinabi nito. Iniisip nya kung may nangyari bang ganun, pero sumakit lang ang ulo nya kaya napapikit sya.
"W-Wag mo ng alalahanin iyon, ang mahalaga ay ayos ka na at narito ka sa tabi ko.. Hindi kita pababayaan.."
Dumilat sya at muling tinignan ito. May pumasok na boses sa isip nya na nagsabi din ng ganun sa kanya.
"Teka, dadalhan kita ng pagkain, tiyak na gutom ka na.. Sandali lang at wag kang babangon dahil mahina ka pa, at baka mapahamak ang baby sa sinapupunan mo."
Napabuka ang bibig nya sa sinabi nito, nais nyang tanungin ang lahat sa buhay nya ngunit umalis na ito. Napatingin sya sa tiyan nya at napahawak sya sa tiyan nya.
Buntis sya? Kung gano'n ay sino ang ama ng pinagbubuntis nya?
Tumingin sya sa pinto na nilabasan ng binata na nakilala nyang pangalan ay 'Marco'.
Ito ba ang ama ng pinagbubuntis nya? Kung gano'n nga, kaano-ano nya ito?
Bakit wala syang maalala na kakilala nya ito? Wala syang maramdaman.
"Veronica.."
Napatingin sya kay Marco na nakabalik agad habang nakangiti na pumasok habang may dala-dalang tray.
"Kumain ka muna at pagkatapos ay ipapasyal kita upang ipakita ko sa'yo ang lugar kung nasaan ka. Tiyak akong magugustuhan mo rito." ani nito at nilapag sa side table sa tabi ng kama ang tray. Naupo ito sa tabi nya at nakangiti ito na tumingin sa kanya.
Masasabi nya na makisig ang binata at tingin nya ay may taas itong five foot five. Moreno, katamtaman ang laki ng katawan, malago ang buhok ngunit gupit ng ilang pulgada ang gilid ng buhok nito habang nakawax ang tuktok na bumagay naman rito. Tila badboy type ito base sa hikaw nito sa isang tenga. May kapakalan ang kilay nito, bilugan ang mata, may katangusan ang ilong, at mapula na manipis ang labi nito.
Ngunit wala syang makapa na ano mang pagkagusto o pagkakilala rito. May rumerehistrong malabong mukha sa isip nya kaya napapikit sya at napahawak sa ulo. Pinilit nyang maalala pero lalo lang sumasakit.
"Veronica, are you okay?"
Dumilat sya at tumingin sa binata.. Tumango sya rito. Nais nyang magsalita ngunit parang ayaw nya na magsalita. Naguguluhan sya sa sakit ng nararamdaman nya sa dibdib nya.
"Marco, wala ba talaga syang maalala? At bakit ayaw nyang magsalita?" tanong ni Yvo habang nakahiga sa sun-loungers habang si Marco ay nakatayo at nakatanaw sa dalagang pinangalanan nyang 'Veronica'.
Nakaupo ang dalaga sa buhangin habang nakatanaw sa dagat. Mula ng magising ito ay hindi man lang ito nagsasalita at palaging tulala. Hindi nya alam ang nangyari rito kung bakit nagkaganoon ang dalaga, pero hindi na mahalaga iyon.
"Wala, at kahit hindi man sya magsalita ay alam ko ang pinapahiwatig ng tingin nya."
Tumayo si Yvo mula sa pagkakahiga sa sun-loungers at lumapit kay Marco. Humawak ito sa balikat ng kaibigan at tinapik habang may ngiting mapanukso.
"Wag mong sabihin na tinamaan ka talaga? Tila tuwang-tuwa ka pa na wala syang maalala."
Inilingan lang ito ni Marco ngunit napangiti sya. Totoo na masaya sya na hindi ito nakakaalala, at sisiguraduhin nyang itatatak nya sa isip nito ang tanging alaala na mabubuo nito kasama sya.